• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aliño, bagong SBMA head

OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong chairperson at administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

 

 

Sa katunayan, pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Aliño sa harap ni Pangulong Marcos bilang SBMA head sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“President Ferdinand R. Marcos Jr. sworn in businessman Eduardo Aliño on Friday as administrator of the Subic Bay Metropolitan Authority,” ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil sa isang kalatas.

 

 

Ang SBMA ay nagsisilbi bilang “operating at implementing arm” ng gobyerno para sa development ng Subic Bay Freeport upang maging “self-sustaining tourism, industrial, commercial, financial, at investment center” para makalikha ng employment opportunities.

 

 

Pinalitan ni Aliño si dating SBMA administrator Jonathan Tan na uupo naman sa kanyang bagong posisyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Tinuran pa ni Garafil na nanumpa na rin si Tan bilang DILG undersecretary.

 

 

Si Aliño ang chair ng Subic Bay Yacht Club, at maging pangulo at chairperson ng S.T.A.R. Group of Companies.

 

 

Siya rin ang pangulo at chairperson ng Subic Bay Freeport Grain Terminal Services, Inc. at Mega Equipment International Corp.

 

 

Samantala, si Tan ay nagsilbi naman bilang Alkalde ng Pandan, Antique mula 2010 hanggang 2019.

 

 

Si Tan ay isa ring negosyanteng na siyang nagmamay-ari ng JDT Construction and Supply at nagsilbi bilang pangulo ng JDT Trading. (Daris Jose)

Other News
  • Tyrese Gibson, Reveals ‘Fast & Furious’ 10 and 11 Will Shoot Back-to-Back

    F9 star, Tyrese Gibson, reveals that Fast & Furious 10 and 11 will shoot back-to-back.     The ninth Fast & Furious movie has yet to premiere in the United States on June 25, and it is already breaking pandemic box-office records due to its performance in international markets.     Furious 7 was the first in the series to gross a billion dollars worldwide […]

  • Fans ni MARIAN, masaya at excited sa balitang magbabalik-TV na dahil inaayos na ang script

    MASAYA at na-excite ang mga fans at followers ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa balitang magbabalik-telebisyon na siya.     Last week kasi, sinagot ni Marian ang tanong ng isang fan sa kanyang Instagram kung kailan siya muling magkakaroon ng show.         “Kailan po kayo ulit magkakaroon ng bagong show, sobra na […]

  • Kaligtasan ng fans vs COVID-19, una sa PBA

    PINAKAUNA sa lahat para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang kaligtasan ng mga manonood kaya tiniyak ng propesyonal na liga na nakalatag ang hakbang pangkaligtasan kapag nagbukas ang 45th season sa Linggo, Marso 8, sa likod ng coronavirus outbreak.   Inatasan ng PBA ang venues na ng bawat games na magkaloob ng medical supplies kagaya […]