• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport groups naghain ng mosyon sa SC pabor sa PUV modernization

NAGHAIN ng mosyon ang iba’t ibang transport groups sa pangunguna ng Pasang Masda sa Supreme Court (SC) upang ipakita ang kanilang suporta sa PUV mo­dernization program.

 

 

Pinangunahan ni Pasang Masda president Ka Obet Martin ang paghahain ng “motion for intervention” na layon ding harangin ang petisyon para sa temporary restraining order (TRO) na inihain ng PISTON sa SC.

 

 

Bukod kay Martin, kasama rin sa naghain ng mos­yon ang grupong ALTODAP sa pamumuno ni Libay de Luna, ACTO ni Boy Vargas, at LTOP ni Lando Marquez Sr, at iba pang transport groups.

 

 

Ayon sa mga intervenors, inihain nila ang mosyon dahil sila ang lubos na maapektuhan kung anuman ang maging aksyon ng Korte Suprema sa petisyon.

 

 

Ipinaliwanag ng mga transport group na layon ng modernisasyon na ma­ging kumportable ang mga pasahero at mas maging sistematiko ang pampublikong transportasyon sa pagkakaroon ng mga pasilidad tulad ng garahe, fleet management systems kabilang ang Automatic fare collection system (AFCS) at GPS, cash/finance management systems.

 

 

Bukod dito, magkakaroon din ng mas maayos na labor standards para sa mga drivers, operators, at transport workers.

 

 

“Wherefore, it is most respectfully prayed that the intervenors be allowed to intervene in this action and the attached opposition-in-intervention be admitted,” ayon sa mosyon.

 

 

Kinontra ni Martin ang sinasabi ng mga kontra sa modernisasyon na magkakaroon ng krisis sa transportasyon at overpriced na presyo ng mo­dern jeeps. Iginiit niya na marami nang suppliers at halos P1 milyon kada unit na lamang ang presyo ng mga modern jeeps.

 

 

Hindi rin umano mawawala ang “iconic jeeps” dahil sa may mga manufacturer na gumagawa na ng disenyo nito na mo­dern jeep basta ayon sa Phi­lippine national standards. (Daris Jose)

Other News
  • SBP, nakikipag-ugnayan na sa gov’t para makauwi si Kai Sotto sa PH para sa qualifiers

    Nakikipag-ugnayan na umano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamahalaan para matulungan si Kai Sotto na makauwi sa Pilipinas bago ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.     Una rito, inanunsyo ng 18-anyos na si Sorro na nais nitong maglaro para sa Gilas Pilipinas sa ikatlo at huling window ng continental qualifiers, na gagawin […]

  • Seal of Good Local Governance nasungkit ng Valenzuela

    DAHIL sa pangako nitong itaguyod ang integridad at huwarang serbisyo publiko, nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.     Sa city passing rate […]

  • Senador Imee Marcos, target na tumakbo bilang bise-presidente sa eleksyon 2022

    IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na target ni Sen. Imee Marcos ang Vice Presidency sa 2022 kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kanyang running-mate.    “Si Imee, ganito ang laro n’yan, pinupuntahan niya si Mayor Duterte sa Davao, hoping na magtakbo ‘yon, siya ang maging bise,” ayon kay […]