1st phase ng operasyon ng Metro Manila subway project, sisikaping habulin sa Disyembre sa 2021
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
TARGET ng gobyernong Duterte na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.
Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng P355.6 bilyong piso.
Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makakabawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.
Ang dati aniyang mahigit sa dalawang oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3 ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto at itoy sa sandaling matapos na ang proyekto. (Daris Jose)
-
Gilas tutok na sa Saudi
SESENTRO na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Saudi Arabia ngayong gabi sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia. Maghaharap ang Pilipinas at Saudi Arabia sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng madaling-araw sa Maynila) kung saan target ng Gilas Pilipinas na walisin ang dalawang misyon […]
-
Pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga probinsiya, may konsultasyon- Sec. Roque
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinunsulta ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng rehiyon at probinsya bago pa ikinasa ang bagong alert level system sa ilang piling lugar sa bansa. Umapela kasi ang League of Provinces in the Philippines sa IATF na ipagpaliban ang implementasyon ng alert level system sa […]
-
MAX, tiyak na makaka-relate sa bagong teleserye sa pinagdaraanan nila ni PANCHO
SA Bataan ang lock-in taping ng bagong sinisimulang serye ng GMA-7, ang To Have and To Hold. Nakakausap namin ang isa sa mga bida ng serye na si Max Collins at ayon dito, mga hanggang third week of June pa pala sila naka-lock-in. Dahil sobrang higpit ng safety protocols, gusto sana […]