‘Deepfake’ videos, dumarami, PNP cybercrime group nababahala
- Published on January 30, 2024
- by @peoplesbalita
NABABAHALA na ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa paglaganap ng ‘deepfakes’ videos at larawan online.
Ayon kay PCol. Jay Guillermo, ng Cyber Response Unit, labis nang nakakaalarma ang laganap na ‘deepfake’ videos na gumagamit ng ilang sikat na personalidad sa bansa.
Nagagamit ang mga ito sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).
May mga reklamo na silang natanggap sa kanilang opisina na iligal na ginagamit ang kanilang video para makabenta ng ilang produkto.
Paalala ng pulisya iwasang mag-post ng mga larawan at video at ilimita sa mga kaibigan.
Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan nila sa ibang mga ahensiya ukol sa nasabing insidente.
Aminado ang pulisya na sa makabagong teknolohiya maraming indibiduwal ang nakakagawa ng mga illegal activities.
-
Wanted na rapist, nalambat sa manhunt ops sa Navotas
LAGLAG sa selda ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Bangkulasi ang presensya ng 30-anyos na […]
-
Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara
Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara patungkol sa mga umano’y kongresista na dawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Giit dito ni Committee on Justice Vice Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, dapat na pangalanan na ngayon ng […]
-
80% ng bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ sa July 16
Inilahad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng mas maraming lugar na ang isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa darating na July 16. Sa panayam, iginiit ni Lorenzana na dedepende sa datos ng coronavirus disease o COVID-19 ang quarantine measures sa bansa na magmumula sa Department of Health (DOH). “Sabi nga […]