• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas mabigat na parusa sa mga law enforcers na sangkot sa pagtatakip sa krimen, isinulong

ISINUSULONG  ng isang mambabatas ang panukalang pagataw ng mas mabigat na parusa sa law enforcers at ibang persons in authority na sangkot sa pagtatakip o paggalaw sa ebidensiya sa mga kaso na may kaugnayan sa drugs at iba ang heinous crimes.

 

 

Sa panukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, nais nitong patawan ng 20 taong pagkabilanggo ang napatunayang nagkasala mula sa kasalukuyang maximum 12-taong pagkakakulong.

 

 

“Law enforcers and other persons in authority are responsible for  maintaining public order and preventing crime.  They should be held to a higher standard of behavior and conduct as protectors of the people,” ani Yamsuan, dating assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Ayon sa mambabatas, kung sila mismo ang magiging problema sa kaso kapag naging kasabwat o accessories sa krimen ay tatanawin silang ‘hoodlums in’ na nararapat na mapatawan ng mabigat na parusa sa ilalim ng batas.

 

 

Upang maipataw ang mabigat na parusa, layon ng House Bill (HB) 7972 na maamyendahan ang Article 19 ng Revised Penal  Code upang maisama sa mapapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga persons in authority na nagsilbing kasabwat sa komisyon ng krimen.

 

 

Sinabi ni Yamsuan na sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang heinous crimes tulad ng drug trafficking ay may parusang reclusion perpetua o pagkakakulong ng 20-40 taon habang ang nagsilbing accesories o kasabwat ay may parusang 6-12 taong pagkakakulong.

 

 

Sa HB 7972, nais ng mambabatas na mapatawan ng mabigat na parusa ang kasabwat na law enforcersat iba pang persons in authority kung saan ang parusa ay  reclusion temporal o pagkakakulong ng 12-20 taon.

 

 

Nakapaloob sa Republic Act 7659, kasama sa heinous crimes ay ang “importation, distribution, manufacturing and possession of illegal drugs. Other offenses classified as heinous crimes are treason; piracy in general and mutiny on the high seas in Philippine waters; qualified piracy; qualified bribery; parricide; murder; infanticide; kidnapping and serious illegal detention; robbery with violence against or intimidation of persons; destructive arson; and rape.” (Ara Romero)

Other News
  • James kinampihan ang ‘Pinas

    MALINAW  para kay Philippine Basketball Association ( PBA) rookie aspirant James Laput ang kanyang kinampihan sa naganap na International Basketball Association (FIBA) basketbrawl ng Gilas Pilipinas at Australian Boomers noong Hulyo 2018 sa Philippine Arena sa Bulacan.     Isang Pilipino-Australian na ipinangak at lumaki sa Perth ng Down Under mula sa mga magulang na […]

  • P102 milyon ng ‘shabu tea’ nasamsam sa Cavite

    TUMATAGINTING na P102 milyon halaga ng shabu ang nasabat at pagkakaaresto sa tinaguriang Drug Lord at distributor ng droga sa buong Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon (CALABARZON) , National Capital Region (NCR at Mindanao) at 2 iba pa sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.   Kasong paglabag sa Section 5 in relation […]

  • Malakanyang, hiniling sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law

    HINILING ng Malakanyang sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law sa gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at nagpapatuloy na situwasyon sa Ukraine na inaasahang mayroong economic impact sa Pilipinas.     Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang pagrebisa sa oil deregulation law ay kasama sa […]