• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DICT, nagbabala ng posibleng pagtaas ng “deepfakes” lalo pa’t nalalapit na ang 2025 elections

MULI  namang nanindigan si Abalos na isang paglabag sa konstitusyon kung may magtatangkang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

 

 

Kung sa posibilidad naman aniya ng paghahabla sa dating Punong Ehekutibo kasunod ng mga naging pahayag nito na may kaugnayan sa pagnanais nitong ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas, bahala na aniya ang DOJ ukol dito.ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa posibleng pagtaas ng “deepfakes at Iba pang artificial intelligence-generated fake videos” lalo pa’t nalalapit na ang 2025 mid-term elections near.

 

 

Ang Deepfake ay isang pamamaraan ng paglikha at pag-publish ng maling impormasyon sa anyo ng mga video, audio at mga larawan.

 

 

Sa gitna ng nasabing banta, nanawagan ang mga stakeholders ng isang batas na tutugon sa concerns o alalahanin na ito sa nasabing teknolohiya.

 

 

“Mas advanced lang ngayon ang cognitive warfare because they can mimic actual personalities. This is the use of fake news or disinformation in order to shape people’s opinion,” ang sinabi ng DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy sa House Committee on Information and Communications at House Committee on Public Information, araw ng Martes.

 

 

“There are news reporters na nag-endorse daw ng isang produkto gamit ang kanyang video, pati ang kanyang audio recording dinub sa video niya to make it look like that she is endorsing a particular product when in fact she did not,” paliwanag nito.

 

 

“We believe that especially with the upcoming elections, this particular threat might increase, and we might be unable to cope with the volume of the expected influx of requests to take down AI-generated false statements and false news,” ayon pa rin kay Dy.

 

 

“Na-obserbahan ko, wala pa tayong batas sa deep fakes, malapit na pong mag-eleksyon, dapat gumawa tayo ng batas tungkol dito para mapagbawalan o ma-regulate ang paggamit ng AI,” ang sinabi naman ni cybersecurity analyst Art Samaniego Jr.

 

 

Ayon sa DICT, ang mga biktima ng deepfakes ay maaaring magtungo sa departamento at Cybercrime Investigation and Coordinating Council upang sa gayon ay maaari nilang ipaalis ang online material.

 

 

Hinikayat naman ng mga eksperto ang publiko na suriing mabuti ang mga video at mga ilarawan na nakikita nila sa online, lalo na sa mga kahina-hinalang accounts.

 

 

Binigyang diin ni Samaniego ang pangangailangan na turuan ang publiko ukol sa panganib ng cyberattacks at kung paano manatiling ligtas sa online. Pinayuhan niya ang pamahalaan na mamuhunan sa “research” at kumuha ng bagong “cybersecurity technologies and solutions.”

 

 

Samantala, nagpatawag ng briefing si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez mula sa DICT sa gitna ng kamakailan lamang na cyberattacks sa ilang Philippine government websites na sinasabing di umano’y mula sa Chinese hackers.

 

 

“The breaches have targeted domains such as the cabsec.gov.ph, coastguard.gov.ph, cpbrd.congress.gov.ph, dict.gov.ph, doj.gov.ph, ncws.gov.ph, and the private domain of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr,” ayon sa ulat.

 

 

Sinabi ng DICT na may ebidensiya na nagtuturo na ang mga perpetrators ay maaaring nago-operate sa pamamagitan ng Chinese networks, subalit wala namang ebidensiya na direktang magu-ugnay sa insidente sa Chinese government.

 

 

“Investigation showed that the attackers have multiple IP addresses coming from cnc.net, which is located in China. OWWA detected a total of 17,144 attempts from January alone, coming from multiple Chinese IP addresses,” ayon kay Dy.

 

 

“Our investigation currently holds circumstantial evidence suggesting that alleged perpetrators may have operated through Chinese networks and utilized tactics, techniques and procedures associated with known Chinese advanced persistent threat actors. However, it is crucial to understand that at this stage, we lack direct evidence conclusively linking these incidents to be having the authorization of the Chinese government,”diing pahayag ni Dy. (Daris Jose)

Other News
  • Phil. Ambassador , makikipagpulong sa Israeli president, hihilingin ang pag-exit ng mga Filipino mula sa Gaza

    NAKATAKANG makapulong ng Philippine Ambassador to Israel si  Israeli President Isaac Herzog.  Sinabi ni  Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na inaasahan na ididiga ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang kahilingan para makalabas ang mga filipino mula Gaza. “[Ambassador Pedro Laylo Jr.] is meeting today…with the Israeli president. So we will also […]

  • 4 ARESTADO SA PAGSASAGAWA NG PRANK

    KALABOSO ang apat na lalaki matapos magsagawa ng prank na kanila umanong i-upload sa social media na isa sa kanila ang isinilid sa sako saka iniwan sa gilid ng kalsada na tila isang biktima ng summary execution sa Valenzuela city.     Kinilala ang mga dinakip na si Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, […]

  • 78% ng isolation facilities sa NCR, okupado na

    Okupado na ang nasa 78 porsyento ng mga isolation facilities sa National Capital Region (NCR) kabilang ang mga “qua­rantine hotels” at “temporary treatment facilities”.     Ito ang inihayag ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega kasabay ng pana­wagan niya na madagdagan na ang mga isolation facilities sa rehiyon.     “If we have […]