• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ginarantiya ang trabaho para sa lahat

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na lahat ay magkakaroon ng trabaho sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas” na kanyang pinro-promote.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos niyang i-welcome ang ulat na ang labor force participation ng bansa ay umakyat sa 66.6% noong Disyembre 2023, habang ang employment rate ay tumaas din ng 96.9%.

 

 

Sa post ng Pangulo sa kanyang X account, sa Bagong Pilipinas aniya, ang pag-unlad at kasaganaan ay dapat lamang na ihatid sa bawat tahanan, sapagkat tiyak aniya na may magandang trabahong naghihintay para sa bawat Pilipino.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na masayang siyang makita ang mahalagang progreso at katatagan ng labor market ng bansa.

 

 

Pinuri naman nito ang pagbaba sa 3.1% ng unemployment rate habang ang underemployment rate ay nabawasan ng 11.9%.

 

 

Ayon naman sa Pangulo, ang mga kaganapang ito ay nagpapahiwatig ng improvement sa “job quality at stability” at ngayon ay maraming oportunidad para sa mga manggagawa.

 

 

“This positive momentum is attributed to robust growth across all major industry groups, with construction, agriculture, and services leading the way,” ang tinuran pa ng Pangulo.

 

 

Dahil dito, nangako ang Pangulo na committed ang gobyerno na “to fostering a conducive and enabling environment for employment growth.”

 

 

“We will continue to implement both demand- and supply-side interventions, including pro-investment reforms and strategic partnerships, to attract more investments,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

“The enactment of initiatives such as the Public-Private Partnership Code and the 4PH Housing Program will further stimulate economic activity and create more job opportunities,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, itutulak din ng pamahalaan ang “up-skilling at re-skilling initiatives” at i-promote ang pagbabago para ihanda ang mga manggagawa sa kinakailangan kasanayan at kakayahan na angkop para umunlad sa maraming high-quality employment opportunities. (Daris Jose)

Other News
  • Photo na pinost ni Heart, na-feature sa ELLE Australia

    ISA sa pinost na photo ni Heart Evangelista-Escudero sa social media ay na-feature sa pages ng ELLE Australia.   Suot ni Heart sa naturang photo ay plaid checkered coat dress at bitbit niya ang kanyang hand-painted Hermes bags.   Ginamit ang photo para sa article ng ELLE titled “What You Should Wear In 2020, Based […]

  • 100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito

    Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.     Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program.     Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni […]

  • Marcial, ‘all set’ na sa kanyang pro debut sa US

    All set na si Eumir Felix Marcial para sa kanyang inaabangang professional debut sa Huwebes (oras sa Pilipinas) sa Microsoft Theater sa Los Angeles, USA.   Sa ginanap na official weigh-in kanina, tumimbang ng 162.4 pounds si Marcial, habang ang kanyang kalabang si Andrew Whitfield ay may timbang na 165.8 pounds.   Umaasa naman ang […]