Karapatan ng mga manggagawa na magwelga, aprubado sa Komite
- Published on February 9, 2024
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng House Committee on Labor and Employment ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga.
Ipinaliwanag ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza (Partylist, TUCP), may-akda ng panukala na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful activity is a constitutional right,” at idinagdag niya na ang 1987 Konstitusyon ay isa lamang sa kakaunting konstitusyon na naggagawad ng naturang karapatan.
Sa ilalim ng panukala, ang pagpapatalsik sa manggagawa ay tatanggalin bilang ‘immediate disciplinary action for non-compliance of orders of the Secretary of Labor and Employment; ang mga manggagawa na nakagawa ng mga iligal na aksyon lamang ay hindi matatanggal sa trabaho, at ang paglahok nito sa welga ay hindi maaaring maging dahilan para ipataw ang disciplinary action; ang parusang pagkabilanggo sa mga paglabag ay hindi na kasama rito, at iba pa.
Binigyang diin ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) vice chairman Luis Manuel Corral na ang mga panukalang reporma ay may implikasyon sa pandaigdigang merkado ng negosyo at pagtatrabaho.
Ayon sa kanya, ang US global labor policy ay workers-centered, na siyang batayan sa mga negosasyon sa Indo-Pacific economic framework trade map. Aniya, ikokonsidera ng US Congress ang mga polisiya ng workers-centeredness kapag muli nitong pinahintulutan ang generalized system of preferences (USGSP).
Magpapairal din ang European Union na kanilang generalized system of preferences (EUGSP) sa kanilang bahagi.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga kinatawan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) at ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa 7043.
Sumang-ayon rin ang komite na pagsama-samahin ang mga HBs 839, 1678, 2291, 2547, 3242, 4191 at 6273, na inihain nina Reps. Christian Tell Yap, Patrick Michael Vargas, Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, Keith Micah ‘Atty. Mike’ Tan, Yedda Marie Romualdez, Eric Go Yap, at Teodorico Haresco Jr. ayon sa pagkakasunod, na lahat ay naglalayong isainstitusyon ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment.
Pagsasama-samahin din ang mga HBs 2600, 3387 at 4757, o ang panukala na mag-aamyenda sa RA 8759, o ang Public Employment Service Office (PESO) Act of 1999, na inamyendahan, na isasama ang entrepreneurship sa ilalim ng sakop ng batas. (ARA ROMERO)
-
Universal vaccine cards hinihirit
Dapat magkaroon na ng universal vaccine cards na magpapatunay na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at kikilalanin maging sa labas ng bansa. Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mapaulat na hindi umano kinikilala ng gobyerno ng Hong Kong ang vaccine cards ng mga Overseas Filipino Workers na bigay ng […]
-
LTFRB, pinalawig ang deadline ng aplikasyon para sa special permit ng mga ibinalik na PUB routes
PINALAWIG pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon sa special permit ng mga binuksang ruta. Sa abiso ng LTFRB, maaari pang mag-apply ng special permit ang mga bus operators hanggang sa katapusan ngayong buwan. Inihayag din ng ahensya na valid at epektibo […]
-
59 milyong botante nakapagparehistro na
Umabot na sa 59 milyong Pinoy sa bansa ang nakapagrehistro o kulang ng dalawang milyon para sa target na 61 milyon botante sa May 9, 2022 national and local elections. Umaasa si Commission on Elections (Comelec) Director James Jimenez na maaabot nila ang naturang target kahit may apat na buwan na lamang bago […]