Bigas sa halip na pera sa 4Ps, isinusulong
- Published on February 15, 2024
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na tulong pinansyal o pera mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iminungkahi nila sa meeting nila sa Pangulo na kung maaari ay i-convert na lamang sa bigas mula sa National Food Authority (NFA) ang binibigay na pera sa 4Ps benificiaries.
Paliwanag ni Navarro ito ay upang maibsan ang bigat sa mga mahihirap na Filipino na kailangan pang bumili ng bigas na mayroong mataas na presyo.
Sa ganitong paraan ay babagal ang inflation sa bansa at mapapababa rin ang presyo ng bigas.
Mayroon umanong 20% na mahihirap na Pinoy sa buong bansa na nasa ilalim ng 4Ps ng DSWD na binibigyan ng tulong pinansyal o pera subalit kanila rin pinapambili ng bigas.
“These are 20% all over the country which are the vulnerable poor under the DSWD that is beneficiary for 4Ps. And we’re giving them money, and unfortunately because that is not rice, they’re going to buy rice in the market price; and that put pressure and inflationary in the market because they’re going to compete with the people who have money and then with only 4Ps. If we can convert the 4Ps by way of supplying them rice instead of money through NFA, then probably the inflation for rice will go down,” ayon pa kay Navarro.
Sinabi naman umano ni Pangulong Marcos na ikokonsidera nila ang nasabing panukala at titingnan kung paano ito ipapatupad. (Daris Jose)
-
Sen. Drilon, mali ang obserbasyon sa ginagawang Marawi rehab ng TFBM
PINALAGAN ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlement and Urban Development Sec. Eduardo del Rosario ang naging pahayag ni Senator Franklin Drilon na kailangan umano ng additional fund para matiyak na matatapos sa 2021 ang Marawi Rehabilitation. Sinabi kasi ni Senador Drilon na “grossly inefficient” at halos nakaasa lamang […]
-
Marcial, labis ang pasasalamat sa suportang nakukuha sa PSC
Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buong suporta kay Filipino boxer Eumir Marcial sa paglaban nito sa Olympics kahit na ito ay maging professional boxer na. Nalalapit na kasi ang pagpirma nito sa isang promotional outfit at nababahala siya na baka matanggal na ang kaniyang allowance mula sa PSC kapag naging professional boxer […]
-
LTO gumawa na ng hakbang para malabanan na ang mga fixers
TULUYAN nang gumawa ng hakbang ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga fixers sa iba’t ibang opisina nila sa bansa. Naglabas ng kautusan si LTO chief Jay Art Tugade na nagbabawal sa mga fixers sa kanilang opisina sa buong bansa. Ayon kay Tugade na ang layon ng kanilang opisina na […]