• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial, labis ang pasasalamat sa suportang nakukuha sa PSC

Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buong suporta kay Filipino boxer Eumir Marcial sa paglaban nito sa Olympics kahit na ito ay maging professional boxer na.

 

Nalalapit na kasi ang pagpirma nito sa isang promotional outfit at nababahala siya na baka matanggal na ang kaniyang allowance mula sa PSC kapag naging professional boxer na siya.

 

Subalit tinanggal nina PSC deputy executive director Atty. Guillermo Iroy at commissioner Ramon Fernandez ang pagkabahala ni Marcial dahil patuloy pa rin ang kaniyang allowance basta naghahanda ito sa nalalapit na Tokyo Olympics.

 

Bagamat seryoso na si Marcial sa pagiging pro-boxer ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang pangarap na magwagi sa Tokyo Olympics.

Other News
  • 10 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Parañaque City

    SUGATAN ang sampung katao matapos silang araruhin ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran Church sa Parañaque City noong Pebrero 12 , Miyerkoles.   Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules.   Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police […]

  • COVID-19 allowance ng health workers, tuloy – PBBM

    PATULOY  na tatanggap ng COVID-19 allowance ang mga health workers kahit matapos na ang state of calamity sa bansa dahil sa pandemya, base sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Nag-expire ang state of calamity noong ­Disyembre 31, 2022.     “Tuluy-tuloy ‘yan… ‘Yung inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para […]

  • Pinoy boxers biyaheng Thailand na

    Tutulak na patungong Thailand ang national boxing team upang doon ipagpatuloy ang paghahanda nito para sa iba’t ibang international tournaments.     Nangunguna sa listahan si Tokyo Olympics qualifier Irish Magno gayundin sina world champion Nesthy Petecio at Carlo Paalam na parehong naghahangad na makahirit ng tiket sa Olympics.     Diretso sa Bangkok ang […]