Salary hike ng mga medical workers, dapat idaan sa SSL – Palasyo
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG malaking pagbabago sa klasipikasyon ng pasuweldo sa mga Nurse at ng iba pang frontliners ang nakikitang paraan ng Malakanyang upang ganap na maitaas ang pasahod sa kanila.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dapat idaan sa Salary Standardization Law ang lahat at mula dito ay maitaas ang Salary grade ng mga nagtatrabaho sa pampublikong pagamutan na mga frontliners sa bansa.
Ang pahayag na ito ni Sec. Roque sa gitna ng pag- aaral ng isang information aggregator na nagsasabing malayo ang kinikita ng isang Filipino registered nurse kung ikukumpara sa mga nurses sa iba pang bansa sa Southeast Asian region gaya ng Malaysia, Thailand, Singapore, Vietnam at Indonesia.
Aniya, nagbigay na ang pamahalaan para sa mga frontliners ng dagdag hazard allowance, libreng life insurance at iba pa ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng Bayanihan II.
Subalit, kung hindi pa rin aniya sasapat ang nabanggit na mga hakbangin para mai- angat ang tinatanggap na take home pay ng mga health workers, sinabi ni Sec. Roque na ang pinakamagandang solusyon dito ay mabago talaga ang SSL para sa mas mataas na salary grade. (Daris Jose)
-
Estados Unidos, suportado ang panawagan ng Pinas kontra sa agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea
SUPORTADO ng Estados Unidos ang serye ng protesta ng Pilipinas laban sa nakagagalit na aksyon ng China sa West Philippine Sea partikular na ang ginawang panghaharang ng China sa mga Filipino sa resupply missions nito at pagpapadala ng 200 militia vessels sa reef na sakop ng Pilipinas. “We share the Philippines’ concerns regarding […]
-
Gobyerno, nagpalabas ng IRR para i-streamlined ang proseso para sa telco, Internet infra
NAGPALABAS ang gobyerno ng joint memorandum circular (MC) na nagtatakda ng rules and regulations ng Executive Order (EO) 32, na naglalayong i-streamline ang proseso para sa konstruksyon ng telekomunikasyon at Internet infrastructure. Ang Joint MC 2023-01, naglalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng EO 32 ay nilagdaan ng Technical Working Group (TWG) […]
-
Panukalang P5.3-T budget gagamitin para pabilisin ang e-governance- DBM
GAGAMITIN ang panukalang P5.268-trillion national budget para sa 2023 para sa transformation at digitalization ng government processes, records, at databases sa pamamagitan ng e-governance. Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kabilang ang mga Ito sa “top priorities” sa ilalim ng administrasyong Marcos. “Through digital transformation, our bureaucracy can improve the […]