• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinag-usapan ang success bilang isang theatre actress: LEA, na-feature sa isang article sa The Guardian UK

NA-FEATURE si Lea Salonga sa isang article ng The Guardian kunsaan pinag-usapan ang success niya bilang isang theatre actress sa London’s West End na nagsimula 35 years ago sa pinagbidahan niyang musical na ‘Miss Saigon’ in 1989.

 

 

 

Bumalik ang Tony Award-winning Filipino star sa pag-perform sa West End para sa musical tribute na ‘Stephen Sondheim’s Old Friends’ na nagbukas noong October 2023 sa Gielgud Theatre. Ngayon ay magsisimula na si Lea ng kanyang UK tour para sa kanyang ‘Stage, Screen & Everything in Between’ this summer.

 

 

 

Eight venues ang pagdarausan ng show at ang makapag-perform ulit ng isang gabi sa sa Drury Lane ay dream come true kay Lea: “We’ll definitely have Sondheim, some pop music, Disney, Miss Saigon, especially here, but it might not be the ones I sang. I remember doing the show and being envious of other people and their music. Now it’s 30-plus years on, I can pick and choose.”

 

 

 

After three decades sa theatre industry, malaki na raw ang pinagbago nito dahil naging open na ang lahat sa iba’t ibang klase ng tao: “There are more people of colour behind the scenes, where we need to be: directors, producers. In the upper echelons, I don’t know how far we’ve gotten because the positions of really great power are still occupied mostly by white folks.

 

 

 

“With producers like Clint Ramos, who I work with in Here Lies Love, and writers like Lin-Manuel Miranda; for him to also keep pushing needles in his own way and for all of these people of colour.”

 

 

 

***

 

 

 

INAMIN nina Shaira Diaz at EA Guzman na two years na silang engaged.

 

 

 

Sa GMA morning show na ‘Unang Hirit’ inamin ng dalawa na noong December 25, 2021 nag-propose si EA kay Shaira.

 

 

 

Ang rason kung bakit nila tinatago ang tungkol sa pagiging engaged nila ay dahil gusto ni EA na maging ready muna si Shaira.

 

 

 

“Ni-respect ko lang yung time niya. I know na ‘pag nag-propose ako baka mag “no” siya sa akin. That’s the truth. Pero naniwala ako sa pagmamahal niya and alam niya na ‘pag nag-propose ako sa kaniya, ‘pag nag-“yes” siya, I’m willing to wait. Maghihintay ako sa kanya, sa right time niya. Sa gusto niyang goal namin na pupuntahan. I’ll wait for her,” sey ni EA.

 

 

 

Sey naman ni Shaira na ramdam na niya na handa na siyang magkaroon ng sariling pamilya kaya ngayon lamang nila napagdesisyunan na i-announce officially ang kanilang engagement sa masa.

 

 

 

“Ngayon ko lang na-feel talaga na reding-ready na akong gumawa ng pamilya in the future, makasama siya habang buhay so sobrang ready na ako. Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gaano kami nagmamahalan, kung gaano ko siya kamahal,” sabi ni Shaira.

 

 

 

***

 

 

 

KINASAL na ang R&B singer na si Usher at ang longtime partner niyang si Jenn Goicoechea sa Las Vegas ilang oras pagkatapos ng kanyang Super Bowl LXVIII half-time show noong nakaraang February 11.

 

 

 

Kinasal ang dalawa sa Vegas Weddings, according sa marriage certificate na nilabas sa publiko noong February 12.

 

 

 

The ceremony was officiated by the Rev. Ronald Joseph Polrywka na kilala bilang Ron DeCar. Naging witness sa kasal ay si Jonnetta Patton, ina ni Usher.

 

 

 

The Clark county clerk, Lynn Marie Goya, the head of the county’s marriage license bureau ang nag-confirm na nag-issue sila ng a license kina Usher at Goicoechea last week.

 

 

 

Usher, 45, and Goicoechea, 40, have been together since 2019 and have two young daughters.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents

    INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act kung saan umabot sa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. (Richard Mesa)

  • Mahigpit na protocols ipinatutupad ng PSC sa training bubble

    Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pag-obserba ng mga national athletes sa mahigpit na health and safety protocols sa kanilang trai­ning bubble.     Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, bago pumasok ang mga miyembro ng national team sa isang bubble ay kailangan muna nilang dumaan sa RT-PCR test bukod pa sa antigen test. […]

  • Ads May 21, 2022