• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalawang buwang sahod ni CabSec Nograles, ibibigay sa 2 ospital ng Quezon City

HINDI nagdalawang-isip si Cabinet Secretary Karlo Nograles na ibigay ang kanyang dalawang buwang sahod para mapalakas ang capacity ng dalawang government hospitals sa Quezon City sa gitna ng laban kontra sa coronavirus outbreak.

 

Ani CabSec. Nograles, ibibigay niya ang kanyang one-month salary sa East Avenue Medical Center (EAMC) habang ang isang buwan naman ay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).

 

Si CabSec Nograles ay isa sa mga naitalaga bilang big brother para tumulong sa Quezon City sa kanilang coronavirus response, ay nagdonate matapos ang kanyang ika-44 na kaarawan noong September 3.

 

BukodĀ  dito, nanguna rin ito sa fund-raising drive online para sa mga health frontliners na naka-assign sa naturang dalawang government hospitals.

 

Napag-alaman na batay sa 33-level pay scale ng mga government workers, ang mga Cabinet members o department secretaries ay tumatanggap ng P262,965 na basic pay sa ilalim ng salary grade 31, pero dahil sa batas na nagtataas sa sahod ng mga opisyal ng gobyerno sa apat na mga tranches simula 2020 hanggang 2023, ang mga nasa ilalim ng salary grade 31 ay inaasahang makakakuha ng kanilang higher wage na P301,095 ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • Sekyu kalaboso sa panghahablot ng cellphone

    BAGSAK sa kulungan ang isang security guard matapos hablutin ang bag na may laman cellphone ng 18-anyos na binata sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ang naarstong suspek na si Reynaldo Catada, 45, security guard at residente ng Road 3, Lingahan St., Brgy., Malanday na nahaharap sa kasong Robbery Snatching.     […]

  • Presyo ng petrolyo sisipa sa higit P3

    POSIBLENGĀ  sumipa sa mahigit P4 ang presyo ng kada litro ng diesel habang aabot ng hanggang P3.50 sa gasolina.     Ang inaasahang fuel prices ay dulot umano ng patuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.     Batay sa pagtaya, aabutin ang taas sa diesel mula P3.80 hanggang P4.10 kada litro, sa […]

  • P1 rollback sa oil price, epektibo sa susunod na linggo

    Inaasahan na muling magkakaroon ng rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.     Sinasabing mahigit sa P1 ang oil price rollback na ipapatupad sa November 23.     Ang presyo ng gasolina aabutin mula sa P0.85 hanggang P1.10 kada litro ang posibleng ibaba ang rollback, samantalang sa diesel ay P1.20 hanggang P1.30 […]