• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasamang manonood ng ‘Eras Tour’ ni Taylor Swift: IVANA, mamimigay ng VIP ticket and all-expense paid trip sa Singapore

ANG bongga talaga ng pakulo ng Kapamilya sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi para sa kanyang loyal fans at social media followers.

 

 

Last Saturday nga nang i-announce ng YouTube personality na mamimigay siya ng isang VIP tiket para ‘Eras Tour’ ni Taylor Swift, kasama ang all-expense paid trip.

 

 

Magaganap ang “Eras Tour” ng American singer/composer sa March 2, 3, 4 & 7, 8, at 9, 2024 sa National Stadium, Singapore

 

 

Sa Instagram account ni Ivana pinost ang guidelines at requirements para maka-join sa kanyang paandar na for sure, libu-libong na ang mag-join.

 

 

“Once in a lifetime opportunity mapanood si Taylor Swift tapos all expense paid and VIP ticket pa,” panimula ni Ivana.

 

 

Bukod nga sa VIP ticket, ang maswerteng mapipili ay makatatanggap ng airplane ticket, food allowance, at hotel accommodation sa Singapore.

 

 

At ang pinaka-bonggang part ay makakasama ang winner ni Ivana sa panonood ng “Eras Tour”, na kung saan ang travel days ay mula sa March 6 to 8.

 

 

“Lahat ay libre ang iisipin mo nalang ay pagbi-video mo at ang pag-e-enjoy mo habang nanunood ng idol natin na si Taylor Swift,” say pa ng sexy actress.

 

 

Paalala pa niya sa lahat ng sasali ay kailangan merong valid passport, mag-share ng kanyang announcement video, at i-follow ang lahat ng kanyang social media accounts (Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube).

 

 

Need din nilang ilagay ang kanilang favorite Taylor Swift lyrics sa comments section ng kanyang video.

 

 

“Napakadali wala kayong kailangan gastusin o bilihin. All you have to do is share this video and put your favorite Taylor Swift lyrics.

 

 

“Example ng akin, I was enchanted to meet you. I love you Ivana. Ganu’n! Kung ano man gusto niyo sabihin,” lahad pa ni Ivana.

 

 

Today, February 22 na magaganap ang announcement ng masuwerteng follower na pipiliin sa pamamagitan ng randomizer.

 

 

Tiyak na magiging unforgettable experience ito ng mananalo, dahil alam natin kung gaano kamahal ang VIP ticket, kaya makikita niya ng malapitan si Taylor Swift, na pangarap lahat ng mga Swifties!

(ROHN ROMULO) 

Other News
  • Natsugi na sina Misha at Nisha sa ‘Idol Philippines’: REGINE, inaming ‘devastated’ silang mga hurado sa naging resulta ng botohan

    SA Twitter post ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, inilahad niya ang kanyang nararamdaman sa naganap na tanggalan sa ‘Idol Philippines’, “Alam ko maraming nagulat sa inyo, kami rin. Sabi nga ni @chitomirandajr devastated kami.     “Pero ito talaga ang patunay na YOU guys have the power to choose who will be the next @idolphilippines […]

  • Kelot na nagpakilalang pulis arestado sa Malabon

    BAGSAK sa kalaboso ang isang electrician matapos magpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon city.     Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority or Official Functions (Art 177 of RPC) ang naarestong suspek na kinilalang si Arvin Busa, 26 ng Blk 9, Lot 31, 4th St. Brgy. Tañong.     Ayon kina Malabon police […]

  • Psalm 62:1

    My soul finds rest in God.