• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aplikante sa 1st WNBL Rookie Draft 2020-21 tinatanggap na

PUWEDE nang magsumite ng aplikasyon ang mga babaeng baller ng bansa para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2020 na idaraos sa darating na  Oktubre.

 

Maaring mag-download ng application form sa NBL-Pilipinas Facebook page na facebook.com/nblphil.

 

Lahat ng players na nagnanais makapaglaro sa liga’y dapat na makapagsumite ng fill-out forms at magsama 2×2 photo sa pilipinasnbl@gmail.com.

 

Bukas ang draft sa lahat ng mga player na mayroong mga na edad 21 hanggang 40 anyos.

 

Gaganapin na muna ang draft combine  bago ang draft ng unang women’s pro hoops sa bansa, na binasbasan na rin ng Games and Amusements Board (GAB) kagaya ng kapatid ditong propeyonal na ring  National Basketball League (NBL).

 

Inihahanda na ng WNBL ang pagsasagawa ng unang season bilang professional league kahit na nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang mundo upang mabigyan ng hanap buhay ang mga basketbolera pagkatapos ng kolehiyo.

 

Tinapik ang dating national team member na si Maria Beatrice ‘Bea’ Daez-Fabros na naglaro dati sa University of the Philippine Lady Maroons sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) bilang ambassador ng WNBL.

 

Tinatawanan ko rin ang mga manlalaro ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA), at iba pa, ano pang hinihintay ninyo?

Other News
  • Mahigit 48K outbound passengers, naitala ng Philippine Coast Guard bago ang mismong araw ng Pasko

    MULING  nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang pasaherong bumabyahe sa bansa isang araw bagong ang Pasko.     Sa datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 48,636 ang bilang ng mga outbound passengers habang nasa 47,000 naman na mga inbound passengers ang kanilang naitala mula sa 331 vessels at 535 motor bancas sa lahat […]

  • Wala kaming bayaran sa socmed laban kay VP Robredo – Andanar

    MARIING itinanggi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kumuha ng mga troll o bayarang vlogger o manunulat sa social media ang administrasyong Duterte para atakehin o siraan si Vice President Leni Robredo.   Tugon ito ni Andanar sa bintang ng kampo ni Robredo na mababa ang performance at trust rating ng Vice President dahil […]

  • P5K ayuda sa 4 milyong minimum wage earners, itinulak

    SA GITNA na rin ng mataas na inflation, isinulong sa Kamara na mabigyan ng tig-P5,000 ayuda ang nasa 4 milyong minimum wage earners sa bansa.     Kasabay nito, inirekomenda rin ni House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines Partylist Rep. Raymond Mendoza ang pagbuo ng isang “financial assistance program” na tatawaging […]