• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gen. Cascolan, nanumpa sa harap ni PDu30 bilang bagong hepe ng PNP

PINANGASIWAAN ni Pangulong  Rodrigo Roa  ang panunumpa sa tungkulin ni  Police General Camilo Cascolan bilang bagong  Philippine National Police (PNP) chief.

 

Kasama ni Cascolan ang kanyang pamilya sa nasabing seremonya na idinaos  sa Malakanyang.

 

Umaasa naman ang Malakanyang na maipatutupad ni Cascolan ang batas, aalisin ang mga kurakot na pulis at mapanatili ang tagumpay ng giyera laban sa ilegal na droga sa ilalim ng kanyang maiksing termino.

 

Si Cascolan ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre.

 

“I will lead this organization along the footsteps of my predecessors and along the shadows of their leadership and building on what they have started,”  ayon kay Cascolan sa kanyang assumption speech nitong September 2.

 

“I will lead the PNP along with the vision of a highly-capable, effective, and credible PNP that provides better and more reliable, more efficient and more effective police services,” aniya  pa rin.

 

Samantala, sinabi ni Cascolan na ang police force ay hindi magiging epektibo kung wala ang  suporta ng komunidad.  (Daris Jose)

Other News
  • Grateful na kasama ang ibang Pinoy sa Asian-American project: KC, kinumpirma na bibida sa ‘Asian Persuasion’ bilang kapalit ni TONI

    SA IG post ni KC Concepcion nakumpirma na ka-join na siya sa cast ng upcoming American movie na Asian Persuasion na directorial debut ni three-time Tony Awards and Grammy Awards winner Jhette Tolentino.     Ipinost ng primera prinsesa ni Megastar Sharon Cuneta ang screengrab ng article sa Variety Magazine na kung saan kasama niya […]

  • Marcos, pinag-aaralan ang 5-year term para sa mga opisyal ng barangay

    MASUSING pinag-aaralan ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang panukalang gawing limang taon ang tatlong  taon na termino ng mga opisyal ng barangay.     Sinabi ni Incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, pinag-aaralan na ng administrasyong Marcos ang batas na mag-aamyenda sa termino ng mga barangay officials, kabilang na ang pagpapalawig […]

  • IATF, hangad na iklian ang isolation period para sa mga fully vaccinated health workers

    HANGAD ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na iklian ang isolation period para sa mga fully vaccinated health workers ng limang araw.     Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na itinalaga ng IATF ang Department of Health na mag- produce o gumawa ng specific […]