• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May pahiwatig na pagtatambalin sa isang movie: Sweetness nina JERICHO at KATHRYN, marami na ang nakakapansin

KAPANSIN-PANSIN na sa ginanap na birthday celebration ng kasalukuyang GMA consultant na si Mr. Johnny Manahan na kilalang Mr. M ay halos karamihan ng dumalo ay mga Kapamilya stars.

 

Sa mga pictures na naglabasan sa nasabing birthday celebration ni Mr. M ay Ilan sa nakikita na present ang mga big stars na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Kathryn Bernardo, Jake Ejercito, Donny Pangilinan at bukod tanging si Bea Alonzo lang ang kapuso.

 

 

Kapasın-pansin din ang sweetness at laging magkasama sa mga pictures sina Jericho at Kathryn. Mukhang may naamoy na intriga sa dalawa o may gagawin big proyekto na pagsasamahan nila, huh! Pati nga sa mga post ni Kathryn ay sunod-sunod ang komento ni Jericho na tila ba may mga pahiwatig sa mga next move nilang gagawin. Ayaw naman munang kumpirmahin ng taga-ABS-CBN kung may niluluto silang proyekto para kina Echo at Kath, na parehong hiwalay na ngayon sa kanı-kanilang partners, huh!

 

 

***

 

 

AMINADO ang kasaluyang at magaling na MTRCB chairman na si Ms.Diorella Sotto- Arellano na hindi madali ang magiging pinuno ng Movie Tevision Review and Classification Board. Kaya hindi naniniwala si Ms. Lala na may mga taong naiinggit sa posisyon niya.

 

 

Pero sa totoo lang naman higit na mas marami ang naniniwala na karapat dapat sa posisyon niya ang dating kunsehala ng Quezon City. Bilang isa sa lumaki na rin naman sa mundo ng showbiz st pulitika dahil sa mga magulang niyang sina Helen Gamboa at Senator Tito Sotto ay naranasan din naman ni Chair Lala na may mga nakikiusap sa kanya para lang maipasa at makuha ang ratings na gusto ng mga ito. But in a nice way, ay nagawa ni Ms. Lala at napakiusapan din niya ang mga Ito. Kumbaga, kung ano ang desisyon na inilabas ng mga board members niya ay yun ang masusunod.

 

 

Pinapayuhan na lang niya na ipa-adjust ang mga materials na isinabmit nila for review na batay sa regulasyon ng MTRCB. Hindi rin naman itinanggi ni MTRCB chairwoman na bilang isang ordinaryo din namang televiewers and moviegoers ay may mga paborito rin naman siyang actor at actress. Pero hindi pa rin naman daw yun rason ma papaboran niya o mas bibigyan ng magandang ratings ang mga yun. Dapat sundin pa rin ng mga ang guidelines ng MTRCB. Ibinulgar na rin naman ni Chair Lala na isa raw talaga sa paborito niyang panoorin sa telebisyon ngayon ay maaksiyon na teleserye.

 

 

Pero hindi naman niya deretsahang masagot ang tanong kung sino kina Coco Martin ng “Batang Quiapo” at ni Ruru Madrid ng “Black Rider” ang gusto niyang Panoorin. Incidentally, abangan ng lahat ang ilalabas na bagong anunsyo ng MTRCB na makatutulong lalo para maibalik nang husto ang sığla ng mga moviegoers.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Alas, Phoenix ‘di naging maayos ang hiwalayan

    HINDI naging maganda ang paghihiwalay ng Phoenix LPG Superkalan at ni coach Francisco Luis (Louie) Alas habang nakatengga pa rin ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 sanhi ng COVID-19.   Nitong nagdaang Biyernes, Setyembre 11 nagpakalat ng statement ang Fuel Masters na sinisipa na ang stint ni Alas bilang coach ng koponan. May […]

  • P28 bilyon gagastusin sa national election, plebisito sa Cha-cha

    AABOT sa P28 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan kung isasagawa ng magkahiwalay ang pambansang halalan at plebisito sa Charter change (Cha-cha).     Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito  sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 […]

  • CHR ukol sa drug war report “No malice, we did our mandate”

    PINANINDIGAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang report nito na mayroong paggamit ng “excessive force” laban sa drug suspects at maraming biktima ang di umano’y tumanggi ang nauwi sa pagkamatay na karamihan ay mula sa marginalized communities.     “Contrary to remarks that seek to put malice in the crucial work of CHR, our […]