4 ARESTADO SA PAGSASAGAWA NG PRANK
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang apat na lalaki matapos magsagawa ng prank na kanila umanong i-upload sa social media na isa sa kanila ang isinilid sa sako saka iniwan sa gilid ng kalsada na tila isang biktima ng summary execution sa Valenzuela city.
Kinilala ang mga dinakip na si Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, 20, Chris Bayron, 20, at Wynzel Tan, 19.
Sa tinanggap na report ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega, nagpaparulya sina PCpl Rosario Cruz at PCpl Ian Baggay ng Sub-Station 1 sa West Service Road, Brgy. Paso De Blas nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ipinaalam ang hinggil sa isang hindi kilalang tao na isinilid sa sako bago iniwan sa gilid ng kalsada.
Nang respondehan, nadiskubre ng mga pulis ang nasa loob ng naturang sako ay si Habagat habang ang tatlong kasama nito na kumukuha ng video sa sako ay naaktuhang nagtatago malapit sa lugar.
Inamin ng mga suspek na sinubukan lamang nilang maglaro ng kalokohan sa mga dumadaan sa naturang lugar at balak umano nilang i-upload ang video sa social media.
Ayon sa pulisya, ang insidente ay magbibigay ng alarma sa publiko kaya dinala nila ang apat sa himpilan ng pulisya saka kinasuhan ng alarm and scandal at inisyuhan din ng Ordinance Violation Receipt dahil sa paglabag sa ordinansang nagmamandato ng social distancing at paggamit ng quarantine pass. (Richard Mesa)
-
PDEA: ‘HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NA NAKATAGO PA SA EVIDENCE VAULT, NASA P14-B PA’
PUMAPATAK pa umano sa mahigit P14-bilyong halaga ng iligal na droga ang nasa kasalukuyang pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa panayam kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling inventory, umaabot na lamang sa nasabing halaga ang hawak nilang ipinagbabawal na gamot, mula sa lampas P22-bilyon. Paglalahad […]
-
Gobyerno, ginagawa ang lahat para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa toll roads sa Pinas
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na ipinatutupad na ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) ang lahat ng mga hakbang para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at tiyakin ang maayos na byahe sa toll roads sa bansa sa panahon ng holiday season. Pinangunahan ni […]
-
Kevin Costner’s “Horizon: An American Saga – Chapter 1” premieres in PH cinemas on June 28
KEVIN Costner’s “Horizon: An American Saga – Chapter 1” opens in Philippine cinemas on June 28, 2024, the same day as its global release. Kevin Costner returns to the director’s chair with “Horizon: An American Saga,” a four-part epic Western featuring a star-studded cast including Costner himself, Sienna Miller, Sam Worthington, Giovanni Ribisi, Jena Malone, Jamie Campbell Bower, and Luke […]