4 DRUG PERSONALITIES HULI SA 408-K SHABU
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
NASAMSAM sa apat na hinihinalang drug personalites na nasakote ng pulisya sa buy-bust operation ang higit sa P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan city.
Kinilala ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, hepe ng NPD-DSOU at DDEU ang mga naarestong suspek na si Rommel Villanueva, 40, Arthur Peñalosa, 42, Hernan Potoza, 23, at Resty Santiago, 26, habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasama na si Yuki Paragatos ng Navotas city.
Bandang ala-1:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, kasama ang team ng SWAT/DMFB ang buy-bust operation sa Blk 56, Lot 25, Phase 2 F3, Dagat-dagatan, Brgy. 8, Caloocan city matapos ang natanggap na report na ang mga suspek ang nagpapakalat ng illegal na droga sa Brgy’s 8 at 26 at iba pang mga barangay sa CAMANAVA area.
Nakagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover na nagpanggap na poseur-buyer ng P7,000 halaga ng shabu.
Nang magkaabutan na ng droga at marked money ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek na naaktuhan pang sumisinghot ng shabu ang iba sa kanila habang nagawa namang makatakas ni Paragatos.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu na nasa P408,000 ang halaga, P7,000 buy-bust/boodle money, ilang drug paparaphernalia at cellphone. (Richard Mesa)
-
Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island. Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume. Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake. Dahil dito, nananatili ang […]
-
BRAVEST MEN, HANAP NG VALENZUELA LGU
NANANAWAGAN ang Pamahalaang Lokal ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian sa mga matitikas at pinakamatatapang na lalaki sa lungsod na makilahok sa laban kontra COVID-19 bilang rescue personnel. “Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the COVID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” ani Mayor Rex. Dapat aniya […]
-
RIDER ARESTADO SA SHABU SA VALENZUELA
BAGSAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis sa quarantine control point dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 at Art. 151 of RPC ang […]