Saso trangka pa sa LPGA Tour of Japan
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
PUMUWESTO lang sa 11 magkakatabla sa ika-29 na puwesto si Yuka Saso sa 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu nitong Linggo.
Pero hindi lang iyon upang mamantine niya ang liderato sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan ranking dahil nagrasyahan pa rin ang 19-year-old Fil-Japanese rookie pro ng ¥408,000 (₱187K).
Patungo sa 53rd ¥200M JLPGA Championship Minolta Cup 2020 na sisiklab ngayong Huwebes sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama na panlimang yugto sa pinaigsing Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) sa taong ito, pumiprimera si Saso sa Mercedes ranking sa total earnings na ¥59,448,000 (₱27M).
Pero bumubuga ng hangin sa bumbunan ng Indonesia 2018 Asian Games double gold medalist at two-time Philippine Ladies Open queen ang reyna sa Earth Mondahmin Cup na si Ayaka Watanabe ng Japan na may ¥51,620,000 makaraang kumubra sa Golf 5 ng ¥4.740M.
Ang kampeon sa Golf 5 na si Sakura Koiwai na nagkamit ng ng ¥10.8M ang nasa tersera na sa ¥31,640,000 patungo sa kampeonato. (REC)
-
Upang matiyak na naaayon sa Saligang Batas’: PBBM, masusing nirerepaso ang mga item sa GAA -Bersamin
MASUSING nirerepaso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang 2025 General Appropriations Bill upang matiyak na umaayon ito sa Saligang Batas. “The President and the Cabinet are RIGHT NOW (with or without the calls) thoroughly reviewing the various items of the GAA [General Appropriations Act] to make them conform to the Constitution, and to see […]
-
625 city ordinance violators, huli sa Caloocan
Hindi bababa sa 625 city ordinance violators ang nahuli ng Caloocan City Police sa unang araw nang pagpapatupad muli ng 10pm-4am curfew hours sa lungsod. Bukod sa paglabag sa curfew, may mga nahuli rin dahil umiinom sa mga pampublikong lugar at ang iba ay walang suot na face mask habang nasa labas ng […]
-
Gumaganap na malditang anak sa ‘Lola Magdalena’: HARLENE, kinabahan nang minura-mura at inapi-api si GLORIA
NAKIPAGSOSYO si Harlene Bautista with her Heaven’s Best Entertainment sa BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria para sa pelikula nina Inigo Pascual at Allen Dizon, ang ‘Fatherland.’ Kaya tinanong namin si Harlene kung ano ang satisfaction niya from producing a film than being an actress. “Ano kasi, ako siguro […]