• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nawawalang mangingisda, natagpuan na

NATAGPUAN na ng mga tauhan ng Coast Guard District Northwestern Luzon ang isang mangingisda na tatlong araw nang pinaghahanap sa baybayin ng Agno, Pangasinan.

 

 

Kinilala ng PCG ang mangingisda na si Dexter Abalos, 32 anyos at nakatira sa Brgy.Aloleng Agno, Pangasinan na pumalaot pa noong Pebrero 7.

 

 

Gayunman, nang pabalik na ito sa pampang, tinamaan ng dolphin ang kanyang motorbanca dahilan para tumaob.

 

 

Sa kabila nito, nagawa niyang lumangoy hanggang fish marker  o payao at itinali ang kanyang motorbanca .

 

 

Naghintay ng ilang araw para siya ay ma-rescue.

 

 

Sa tulong ng PCG Aircraft (BN ISLANDER PCG- 251), natagpuan ang mga mangingisda ng  air surveillance na ikinasa ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ngayong Lunes ng umaga. GENE ADSUARA

Other News
  • Malakanyang, ayaw pang magbigay ng target na bilang ng mga babakunahan

    WALA pang maibigay ang Malakanyang na bilang na aabutin ng pamahalaan para sa ikalawang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.   Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinukunsidera rin nila kasi ang pagtatakda ng target ng mga nasa LGU.   “Ayaw kong pangunahan ‘no iyong vaccine and the reason why hindi pa kami […]

  • Lalaking nagtangkang bumaril sa pulis, kalaboso

    Masuwerte pa rin ang isang lalaki na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang barilin nito ng tatlong beses matapos magpasya ang kabaro ng parak na arestuhin ito sa halip na barilin para mamatay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nagmamaneho ng motorsiklo habang […]

  • LeBron James wala pang katiyakan kung kelan makakapaglaro dahil sa injury sa tuhod

    POSIBLENG  matagalan pa bago tuluyang makapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James.     Sinabi ng Lakers coach Frank Vogel na nagkaroon ng pamamaga sa kaliwang tuhod ni James.     Dagdag pa nito na hanggang nandoon ang pamamaga ay patuloy pa rin itong hindi makakapaglaro.     Ang 37-anyos na si James ay […]