• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara inatasan ang PNP na arestuhin si Quiboloy matapos ma- cite-for-contempt

INATASAN na ng House of Representatives ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos i-cite-for-contempt ang embattled religious leader dahil sa hindi pa rin pagsipot nito sa imbitasyon ng Committee on Legislative Franchises.

 

 

Unanimous ang naging boto ng mga miyembro ng House Committee on Legislative Franchises na icite-for-contempt si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy dahil sa hindi nito pagsipot sa pangatlong pagkakataon na inimbitahan ng Komite.

 

 

Si Vice Chairperson at Surigao del Rep. Johnny Pimentel ang naghain ng mosyon para icite-for-contempt ang embattled religious leader na sinigenduhan ni Deputy Speaker Jay-Jay Suarez.

 

 

Noong Pebrero naglabas ng subpoena ang kamara na pirmado ni Speaker Martin Romualdez at House Secretary General Reginald Velasco laban kay Quiboloy.

 

 

Bago ito, iginiit ni Topacio na mayroon silang “legal justification” na nakasaad sa liham na ipinadala sa House panel na apat na taon nang walang kinalaman sa operasyon ng Sonshine Media Network International o SMNI si Quiboloy.

 

 

Hindi rin umano sila umiiwas sa subpoena dahil sa katunayan ay nagpadala pa si Quiboloy ng tatlong indibidwal na makasasagot sa lahat ng tanong ng mga kongresista sa pangunguna ng Executive Pastor na si Marlon Acobo. (Daris Jose)

Other News
  • 14,000 aplikasyon sa calamity loans ang naaprubahan na, 43,000 naman sa insurance – SSS

    Umaabot na umano sa mahigit 14,000 na aplikasyon sa calamity loans ang naaprubahan ng Social Security System (SSS) nito lamang nakalipas na buwan ng Hulyo.   Ayon sa SSS ang 14,186 na applications ay katumbas ng P15.53 billion na kanilang naipahiram sa mga kawani sa pribadong sektor mula July 1 hanggang July 27.   Habang […]

  • TRB: RFID 3-strike policy tuloy na sa May 15

    Sisimulan nang ipatupad ng Toll Regulatory Board ang 3-strike policy kung saan pagmumultahin ang mga motorista na gumamit ng tollways’ cashless lanes kahit na kulang ang load.     Ayon sa mahigpit na regulasyon ng TRB, ang mga lalabag sa policy ay bibigyan ng warning sa una at ikalawang offenses. Sa ikaltlong offense naman ay […]

  • JULIE ANNE, dream come true na makita ang billboard ads sa Times Square; kasama ang ‘Free’ sa EQUAL Playlist ng Spotify

    INAMIN ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na dream come true sa kanya na makita ang billboard ads niya sa pamosong Times Square sa New York City.     At nangyari na nga ito dahil sa EQUAL Playlist ng Spotify.     Pinost niya sa kanyang Instagram ang photos at may caption na, […]