• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec, susunod sa desisyon ng Korte

TATALIMA ang Commission on Elections (Comelec)  sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng dating service provider na Smartmatic Philippines.

 

 

 

Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na hindi pa nila natanggap ang order mula sa Mataas na Hukuman na itigil ang anuman sa kanilang paghahanda para sa midterm polls sa susunod na taon.

 

 

 

Noong Disyembren ang nakalipas na taon, tinutulan ng Smartmatic ang legalidad ng diskwalipiaksyon nito sa proseso ng pag-bid ng poll body para sa 2025 automated election system sa Korte Suprema.

 

 

 

Gayunman,isinantabini Garcia ang posibilidad ng pagsasagawa ng manuel elections.

 

 

 

Ayon kay Garcia, hindi maaaring gamitin ang manual elections dahil maaring malabag ng Comelec ang batas.

 

 

 

Giit ni Garcia, maaari lamang gamitin ang automated elections in 2025 elections  dahil ito ang itinatadhana ng batas.

 

 

 

“You have to automate the national and local elections. So kung ano po yung magiging (whatever is the) disposition, iyan naman po ay part ng proseso (that is part of the process) pero in the meantime, the Comelec will have to proceed,” sabi ni Garcia sa  press briefing.

 

 

 

Binanggit ni Garcia na ang pakikitungo sa komisyon ay nasa maayos at pagsunod sa batas partikular sa Government Procurement Reform Act.

 

 

 

Nitong Lunes, ang Comelec kasama ang joint venture Miru Systems Co.Ltd., Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation, at Centerpoint Solutions Technologies Inc. (MIRU-ICS-STCC-CPSTI), ay lumagda ng P17 bilyong kontrata sa Comelec para sa 2025 elections.

 

 

 

Naghain ng bid ang Miru Systems na P17.98 bilyon para sa proyekto  na kinabibilangan ng paggawa ng 110,000 automated counting machines at balota bukod sa iba pa. GENE ADSUARA

Other News
  • Simona Halep pasok na sa semifinals ng Wimbledon

    PASOK na sa semifinals round ng Wimbledon si Simona Halep matapos ma-sweep si Amanda Anisimova.     Hindi na pinaporma pa ng Romanian tennis ang American player sa score na 6-2, 6-4.     Sa unang set ay hawak pa ni Anisimova ang kalamangan 0-4 hanggang ito ay tuluyang mahabol ni Halep at tapusin ang […]

  • 2 timbog sa baril at shabu

    Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng baril at shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kahapon ng umaga.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Ernani Panes, 27 ng 1036 Arlegui St. Quiapo, Manila at Erwin […]

  • PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque

    HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa usapin ng  term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.   Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte  ang una nang naging  arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno […]