• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seven years na ang relasyon nila ni Khalil: GABBI, ayaw magpa-pressure pero intimate wedding ang gusto

INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na minsan na siyang naapektuhan sa mga kuwento at opinyon ng ibang tao tungkol sa kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales.

 

 

Nahirapan nga raw si Rabiya noong una sa relasyon nila ni Jeric dahil sa mga lumalabas na tsismis tungkol sa aktor.

 

 

“First time kong mag-date ng celebrity and minsan ang daming opinyon ng mga tao, ang daming sinasabi about him and at first, I was shaken about it. Parang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabi ni Jeric o ‘yung sinasabi ng mga tao about him kasi ibang-iba eh,” sey ng TikToClock host.

 

 

Pero sa kabila ng mga lumalabas tungkol kay Jeric, mas pinili raw ni Rabiya na paniwalaan ito: “Kasi nakita ko kung gaano siya kaseryoso at pinaramdam niya ‘yun sa akin.”

 

 

Inamin din ng Sparkle 10 star na noon ay may access siya sa phone ni Jeric. Pero ngayon daw ay malaki na ang tiwala nito sa boyfriend kaya hindi na raw siya nakikialam sa cellphone nito.

 

 

March 2022 noong aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon. After a few months ay bigla silang naghiwalay, pero one week lang daw ang breakup at nagkaayos daw sila kaagad.

 

 

Kelan lang ay magkasama ang dalawa na nanood ng concert ni Ed Sheeran.

 

 

***

 

 

SEVEN years na pala ang relasyon nila Gabbi Garcia at Khalil Ramos at kasal na lang daw ang kulang sa kanila.

 

 

“It’s actually something that we talk about a lot. I’m not sure if that is something that is healthy? We both think it is,” sey ni Khalil.

 

 

Sey ni Gabbi: “Same naman kasi talaga kami ng end goal. And even at the start of this relationship, why waste time on someone you don’t want to end up with, right? From the get-go I feel like we were aligned that we wanted to keep this relationship special for the future.”

 

 

Dagdag pa ng Sparkle couple, ayaw nilang ma-pressure kapag kasal na ang topic.

 

 

Sey ni Khalil: “I’d be lying if I didn’t say that I didn’t feel an ounce of pressure at all. Totoo na may pressure talaga. I’m approaching my 30s na, we both see ourselves starting a family eventually.”

 

 

Gusto ni Gabbi na intimate wedding: “A very quiet wedding. I’m not afraid to talk about it kasi that’s part of life and it’s such a beautiful thing.”

 

 

Nagsimulang mag-date sina Gabbi at Khalil noon pang 2017.

 

 

***

 

 

NA-DIAGNOSE na may skin cancer ang ‘80s supermodel na si Christie Brinkley.

 

 

Sa kanyang Instagram, pinost ni Christie ang pinagdaanan niyang operasyon.

 

 

“The good news for me is we caught the basal cell Carcinoma early. And I had great Doctors that removed the cancer and stitched me up to perfection like an haute couture Dior,” caption ni Christie.

 

 

Nalaman niyang meron siyang skin cancer noong samahan niya ang kanyang anak na magpa-check up sa doctor nito.

 

 

“It wasn’t my appointment so I wasn’t going to say anything but at the VERY end I asked if he could just look at a little tiny dot I could feel as I applied my foundation . He took a look and knew immediately it needed a biopsy!“ sey ng 70-year old supermodel.

(RUEL J. MENDOZA) 

Other News
  • Release order ni Pemberton, ipinadala na sa JUSMAG matapos pirmahan ni BuCor Dir. Bantag

    Inaabangan na ngayon ang paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na kasalukuyang nakapiit sa Kampo Aguinaldo.   Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag, matapos nitong pirmahan ang release order ni Pemberton ay ipinadala na ito sa Joint United States Military Advisory Group (JUSMAG).   Sinabi ni Bantag na […]

  • PAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS

    NAGPAALALA ang Department of Health o DOH sa publiko sa mga nakukuhang sakit  lalo na ang leptospirosis dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding.     Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na bunsod ng bagyo, marami ang lumusong sa baha at nag-evacuate kaya inatasan nito ang lahat ng lumusong sa baha na magtungo […]

  • Duterte personal na sinalubong pagdating ng 2.8-M doses ng Sputnik V

    Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong nitong Lunes ng gabi sa pagdating ng 2.8 million doses ng Sputnik V sa Villamor Air Base sa Pasay City.     Ang malaking bulto ng bakuna mula sa Russia ay binili ng gobyerno.     Nagbigay naman ng maiksing talumpati ang pangulo kung saan pinasalamatan niya ang […]