DOJ: Quiboloy kinasuhan na ng sexual, child abuse, human trafficking sa mga korte
- Published on March 21, 2024
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA na ang legal proceedings sa Davao City Prosecutor’s Office laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo C. Quiboloy at ilang kasamahan.
Kasunod na rin ito ng direktiba mula sa resolusyon na “AAA v. Quiboloy et.al.”, na inilabas noong Marso 25, 2024 ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Nag-ugat ang naturang aksiyon mula sa akusasyon ng sexual at child abuse laban kay Quiboloy.
Ayon sa DOJ, si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Other Sexual Abuse), na nakapokus sa proteksiyon ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, exploitation, at diskriminasyon.
May karagdagan pa umanong kaso sa ilalim ng Section 10(a) ng nasabi ring batas (Other Acts of Child Abuse) ang isinampa laban kay Quiboloy, at kina Jackielyn W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid C. Canada, at Sylvia Cemanes.
Inendorso ng Davao City Prosecutor’s Office ang reklamo para sa Qualified Trafficking in Persons sa DOJ main office.
Alinsunod sa Department Order 144, ang Task Force on Women and Children and Against Trafficking In Persons ay inatasan na maghanda ng mga kinakailangang impormasyon laban sa mga nasabing respondents para sa kasong Qualified Human Trafficking alinsunod sa resolusyong na-promulgate noong Marso 5 ng DOJ secretary.
Ang nasabing impormasyon ay inihain sa appropriate court sa Pasig City.
“The Department of Justice is dedicated to the enforcement of our laws and the protection of our children from exploitation and abuse. This case underscores our commitment to hold accountable those who would harm our society’s most vulnerable. Let this serve as a reminder that no individual, regardless of their position, is above the law,” ani Remulla.
-
“THIS STORY IS DIFFERENT BECAUSE IT’S REALLY GROUNDED IN REALITY,” SAYS DAKOTA JOHNSON OF “MADAME WEB” IN NEW FEATURETTE
Some real talk with the cast of Madame Web. Watch the new featurette, “Grounded in Reality,” where the cast of Madame Web, led by Dakota Johnson as the titular character, talk about what makes their film different from other superhero movies. Find out in this featurette: https://youtu.be/zyZDOPr7DyI “Madame Web is unlike any other Marvel movie,” […]
-
Ilang mga alkalde hindi sang-ayon sa isinusulong ng DILG sa hindi na pag-anunsiyo ng bakuna
Hindi sang-ayon ang ilang alkalde sa Metro Manila sa panukalang hindi na sabihin sa mga mamamayan ang COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila. Kasunod ito sa naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduard Año na dapat hindi inaanunsiyo ang mga brand na gagamitin ng mga LGU para hindi […]
-
3 huli sa aktong bumabatak ng shabu sa Valenzuela
TATLO, kabilang ang 20-anyos na bebot ang arestado matapos mahuli sa aktong mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng kanilang lungga sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Sub-Station 6 Commander PCPT Manuel Cristobal ang naarestong mga suspek bilang sina Manuelito Lopez, 47, construction worker, Yazzer Tizon, 36, kapwa […]