• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Peralta, itinalaga ni PBBM bilang PNP OIC

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagreretiro ni Gen. Benjamin Acorda Jr.

 

 

“In the exigency of the service, and to ensure the continuous and effective delivery of service, please be informed that Police Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta is designated as concurrent Officer-in-Charge, Office of the Chief, PNP, effective 31 March 2024, until a replacement is appointed or until otherwise directed by this office,” ang nakasaad sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

 

Ang naturang memorandum, may petsang Marso 27, ay naka- addressed kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.

 

 

Ang PNP ay isang attached agency ng DILG.

 

 

Si Peralta ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991 kung saan bago ito mapili bilang PNP OIC Chief ay nagsilbi siya bilang deputy chief for administration.

 

 

Samantala, nagpapasalamat ang buong hanay ng Pambansang Pulisya kay Pangulong Marcos at Abalos dahil sa tiwala at suporta kay Gen. Peralta.

 

 

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo maituturing na crucial ang pagkakatalaga kay Peralta bilang OIC chief ng PNP kung kaya’t sinabi nitong committed ang buong hanay ng pulisya sa mga programa ng kasalukuyang administrasyon na layong itaguyod ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

 

 

Sa ilalim aniya ng panunungkulan ni Gen. Peralta ipagpapatuloy ang mga magagandang programa ng mga nakalipas na pinuno ng PNP tulad ng iiwang legasiya na “KASIMBAYANAN” ni outgoing PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, gustong imbestigahan ang quarrying operations sa Guinobatan, Albay

    GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na imbestigahan ang di umano’y quarrying operations sa Guinobatan, Albay na ginagawa habang nananalasa ang bagyong Rolly.   “Papa-imbestigahan ng Pangulo ang quarrying sa Guinobatan. Nagreklamo ang mga residente,” ayon kay Senador Bong Go.   Iyon nga lamang, nananatili aniyang hindi malinaw kung ano ang tunay na reklamo ng […]

  • Malakanyang, humingi ng paumanhin sa kabiguan ng PhilHealth na bayaran ang P930 milyong utang sa PRC

    HUMINGI ng paumanhin ang Malakanyang sa naging kabiguan ng state medical insurer PhilHealth na bayaran ang utang nito na umabot sa P930 milyon sa Philippine Red Cross (PRC) dahilan upang mapilitan ang huli na itigil ang COVID-19 tests.   Ang PRC ang responsable para sa 1 milyong COVID-19 tests, o 1/4 ng 3.8 million tests […]

  • PDu30, binalaan ang NPA

    “What you can do, I can do better 10 times over. Ang kaya n’yo, kayo kong gawin”   Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New People’s Army (NPA) makaraang muling umatake ang rebeldeng grupo sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado.   “They do not have ideology. Wala na […]