• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P274-K SHABU

ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Micaela Onrubia, 23, Fernando Ison, 56, Jayson Lacaba, 27, Robert Christian Navarro, 26, Joseph Dela Cruz, 53, at Jocelyn Quilang, 37.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Ramos Timmago, alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Tanigue St. corner Dagat-Dagatan  Brgy. Longos.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makaiskor sa mga suspek ng P1,000 halaga ng shabu.

 

Nang iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nasamsam sa mga suspek ang 19 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 40.3 gramo ng shabu na may standard drug price P274,040 at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • MIYEMBRO NG PAMILYA, DAPAT MAY KASANAYAN SA FIRE SAFETY DRILLS

    PINAYUHAN ang publiko ng Bureau of Fire Production (BFP) na magsanay bawat miyembro ng pamilya ng fire safety drills and procedures upang maging ligtas sakaling magkaroon ng sunog.     Sinabi ni Supt.Gerald Venezuela, hepe ng BFP Regional Fire Safety Enforcement Division,l sa  Balitaan sa Tinapayan na dapat may kaalaman ang mga kasama sa bahay […]

  • Cybersecurity measures, in-adopt para palakasin ang digitalisasyon ng Pinas — PBBM

    PINAIGTING ng administrasyong Marcos ang pagsisikap nito na magtatag ng cybersecurity infrastructure sa gitna ng hangarin na i-digitalize ang burukrasya.     Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa isinagawang  open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, isang event na aniya’y excited sya na magpartisipa dahil mabibigyan siya ng pagkakataon na […]

  • Higit 1,300 trainees, nagtapos sa libreng skills training sa Caloocan

    UMABOT sa 1337 trainees ang nakapagtapos sa libreng livelihood training course ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng pagsisikap ng Public Employment Service Office (PESO) at Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC).     Ang proyekto ay nagsisilbing isa sa maraming mga programa na nilalayong tulungan ang mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng […]