Nabundol habang tumakas, kelot na tirador ng bisikleta dedbol sa motor
- Published on April 3, 2024
- by @peoplesbalita
TODAS ang isang lalaking nagnakaw umano ng bisikleta nang mabundol ng motorsiklo habang tumatakas sa mga humahabol na barangay tanod sa Caloocan City.
Sa ulat na nakarating kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nabisto ng mga tanod ang ginawa umanong pagnanakaw ng bisikleta ng lalaking si alyas “Mac-Mac” dakong alas-9 ng gabi pero nang aarestuhin, kumaripas ito ng takbo patawid ng EDSA.
Sakto namang mabilis na tumatahak sa naturang lansangan ang rider kaya’t huli na bago pa niya naiwasan ang pagtawid ni ‘Mac-Mac’ at nabundol niya ito.
Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon si ‘Mac-Mac’ na nagresulta sa kanyang kamatayan habang sumadsad naman ang rider na kaagad naisugod sa pinakamalapit na pagamutan sanhi ng tinamong mga galos at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay Col. Lacuesta, nagkasundo na kalaunan ang magkabilang panig na dahilan upang hindi na maghain ng kaso ang pamilya ng nasawi laban sa rider. (Richard Mesa)
-
Bayanihan 3 Relief Package Bill, pasado na sa 2nd reading – Cong. Tiangco
MASAYANG inanunsyo ni Navotas Congressman John Rey Tiangco na pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang “Bayanihan to Arise as One Act” o “Bayanihan 3 Relief Package Bill”. Ayon kay Cong. Tiangco, bilang co-author ng panukalang batas na ito ay batid niya na maghatid ng ayuda sa bawat Pilipino at […]
-
1 TODAS, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL SA NAVOTAS
NASAWI ang 39-anyos na mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan naman ang isang tsuper nang tamaan ng ligaw na bala sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Dead-on-arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Marlon Jorje ng 478 B Cruz. St. Brgy. Tangos South […]
-
Food imports, target na subsidiya para pagaanin ang inflation sa Pinas
SINABI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang food importation para dagdagan ang suplay at targeted subsidies sa mga “most vulnerable sectors” ay makapagpapagaan sa mataas na global inflation na lumigwak na sa Pilipinas. “We have a comprehensive set of interventions to effectively balance the need to sustain growth momentum while containing […]