NAG-IWAN NG MATANDANG BABAE, HAWAK NA PULIS
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
HAWAK na ng Manila Police District Special Mayor Reaction Team o MPD Smart ang ilang indibidwal na sinasabing nang iwan sa isang matandang babae sa MacArthur Bridge sa Maynila.
Ayon kay P/Major Jhun Ibay, hawak nila ngayon ang isang Emerita Desilio at Efraim Tan Yap.
Depensa naman ni Desilio, napag-utosan lamang siya na alagaan at dalhin sa isang center ang matandang babae na si Fulgencia Tan, 76-anyos .
Ngunit desperado na at wala na ring magagawa dahil nagtitinda lamang ito ng sampaguita kaya iniwan na lamang niya ang matanda sa ilalim ng tulay na may sapin lamang na karton.
Dahil nakarating sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno, agad itong pinaaksyunan sa Manila Department of Social Welfare na ngayon ay nasa kanila nang pangangalaga.
Ayon naman kay Tan Yap, pamangkin ni Lola Fulgencia, abandonado na ang kanyang tiyahin.
Ang kanyang tiyuhin ay namatay na at walang anak si Lola Fulgencia.
Ayon kay Ibay, inihahanda na ang isasampang kaso sa mga naarestong nag-abandona sa matanda. (GENE ADSUARA)
-
PBBM, malugod na tinanggap ang $2.5-B investment pledge ng Thai firm
MALUGOD na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng Thailand conglomerate Charoen Pokphand Group (CP Group) na mamuhunan ng USD2.5 billion (P140.8 billion) sa Pilipinas para palakasin ang sektor ng agrikultura. Tinalakay ang investment pledge nang makipagpulong si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng CP Group, pinangunahan ni chairman Soopakij Chearavanont, sa […]
-
‘Dito at Doon’, Proceeds With March 31 Online Release
TBA Studios’ upcoming film Dito at Doon starring JC Santos and Janine Gutierrez, proceeds with its scheduled online release on March 31, 2021. The theatrical nationwide release on March 17 is on hold due to health and safety concerns, amid rising cases of COVID-19. The change comes after careful decision among […]
-
Higit P174-milyon shabu, nasamsam sa 3 magkakapatid
Mahigit sa P174 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong magkakapatid, kabilang ang isang menor-de-edad na nailigtas sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. […]