70% ng PH COVID-19 cases gumaling
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
Gumagana ng maayos ang healthcare system ng bansa, patunay na rito ang umanoy pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa coronavirus disease ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Policy Against COVID-19.
Ipinagmalaki ni Galvez ang datos noong Setyembre 2 na nagpapakita na 158,610 o 70 porsyento ng kabuuang pasyente sa COVID-19 ang nakarekober.
“Ipinapakita din nito na kahit wala pang bakuna, kayang-kaya po natin na mapataas ang bilang ng ating recoveries at maibaba ang case fatality rate (It also shows that even without the vaccine, we can manage to increase the number of our recoveries and slow down the case fatality rate),” ani Galvez.
Nitong Setyembre 3 ay umabot na sa 228,403 ang COVID-19 cases sa Pilipinas kung saan 64,207 dito ang aktibong kaso.
Sa mga aktibong kaso naman 90.8 percent ang mild, 6.7 percent ang asymptomatic, 1.0 percent ang severe, at 1.4 percent ang critical. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
MMDA: Trapik, lalo pang sisikip habang papalapit ang Pasko
INAASAHAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko. Ayon kay MMDA chairperson Atty. Romando Artes, dapat nang asahan ng publiko ang masikip na traffic simula ngayong araw, Disyembre 7, na hudyat ng Christmas season. Partikular na tinukoy ni Artes […]
-
Pinas, naiwasan ang bagong Covid-19 surge dahil sa vax, pagsunod sa protocol – PDu30
NAIWASAN ng Pilipinas ang panibagong surge ng Covid-19 cases sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Covid-19 vaccinations at pagsunod sa minimum public health standards. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi. “If I were to judge myself, the one single thing that […]
-
Ads February 22, 2024