• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos idineklarang ‘regular holiday’ ika-10 ng Abril para sa Eid’l Fitr

IDINEKLARA  bilang regular na holiday sa buong Pilipinas ang paparating na Miyerkules para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan, bagay na nangyayari matapos ang isang buwang pag-aayuno sa Islam.
Ito ang ibinahagi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ngalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Huwebes sa pamamagitan ng Proclamation 514.
“[In] order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Firs to the fore of national consciousness, and to allow the entire Filipino nation to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, it is necessary to declare Wednesday, 10 April 2024, a regular holiday throughout the country,” sabi ng proklamasyon.
“NOW, THEREFORE, I, FERDINAND R. MARCOS, JR., President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby declare Wednesday, 10 April 2024, a regular holiday throughout the country in observance of Eid’l Fitr (Feast of Ramadan).”
Una nang inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos ang ika-10 ng Abril bilang national holiday kaugnay ng okasyon.
Dahil sa deklarasyon ng regular holiday sa araw na ito, karapatan ng mga empleyadong makakuhang makakuha ng “double pay” kung sakaling papasok sa Eid’l Fitr.
Makakukuha ng 100% ng kanilang sahod ang mga manggagawang hindi papasok sa sa naturang araw. Dagdag na 30% naman ng hour rate sa naturang araw ang makukuha ng mga empleyadong lalampas ng walong oras sa trabaho. (Daris Jose)
Other News
  • DTI naglabas ng mga kautusan para sa mga energy consuming products

    NAGLABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng isan department order na nagbibigay ng bagong technical regulation na nagrereseta sa mga mandatory product certification ng mga energy consuming products (ECPs) sa pamamagitan ng Bureau of Philippine Standards (BPS).     Sa isang statement ay sinabi ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo […]

  • 2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN

    DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal […]

  • Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO

    TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.     Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO  ang 600,000 pang piraso ng plastic cards  na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.     Aniya, ang […]