• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki na may bitbit na baril sa Malabon, laglag sa rehas

SA loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City.
          Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang pagala-gala sa Estrella St., Brgy. Tañong.
          Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ni P/Capt. Ritchell Siñel, hepe ng SIS kung saan naispatan nila ang isang lalaki na may bitbit na baril kaya agad nila itong nilapitan saka inaresto dakong alas-5:20 ng umaga.
          Nakumpiska sa suspek na si alyas “Popoy” ang isang cal. 22 revolver na may limang bala at nang hanapan siya ng mga pulis ng mga kaukulang dokumento hinggil sa legalidad ng naturang armas ay walang naipakita ang suspek.
          Binitbit ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act sa piskalya ng Lungsod ng Malabon. (Richard Mesa)
Other News
  • DepEd: Subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2, pinoproseso pa

    Siniguro ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi nila ang mga subsidiya sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) sa mga mag-aaral sa oras na matapos na ang application process para sa ayuda.     Paliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nagkaroon ng delay sa application process dahil sa napakalawak na […]

  • OMICRON SUB VARIANT, FACTOR SA PAGTAAS NG COVID

    PINANINIWALAAN na isang pangunahing kontribyutor ang Omicron subvariant BA.5 sa pagtaas ng COVID-19 na kasalukuyang nararanasan ng bansa, ayon sa Philippine Genome Center (PGC).     “We can probably say that this current wave is really the BA.5 wave dito sa ating bansa”, sabi ni PGC executive director Dr. Cynthia Saloma sa isang public briefing. […]

  • SENIOR SA MAYNILA MAY SARILING HOTLINE

    HINDI na maabala pa kung may problema o katanungan ang isang Senior Citizen sa Maynia matapos na pagkalooban sila ng sariling hotline na maari nilang tawagan. Ito ay matapos iutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso  ,ang pagbuo ng  call center  at inatasan din si  Office of the Senior Citizens (OSCA) Marjun Isidro na i […]