• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DENR: White sand sa Manila Bay makatutulong laban sa nagkakalat ng basura

Makakatulong ang paglalagay ng synthetic white sand sa Manila Bay para hindi na magkalata at magtapon ng basura ang mga tao, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda.

 

Ito ang naging pahayag ni Antiporda makaraang batikusin ang paglalagay nito imbes na inilaan na lang sana ang pondo sa mga nangangailangan ng tulong ngayong may coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

“If you are going to look at it, pag may kulay puti po, ayaw nating marumihan ito,” saad ni Antiporda sa isang panayam.

“Information campaign rin po ito na kailangan pangalagaan ang Manila Bay, na huwag natin itong dumihan. Tuloy tuloy po ang paglilinis natin, but sad to say, may mga pasaway pa rin po na nagkakalat diyan ng basura, nagtatapon sa dagat,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng opisyal ng DENR na ang inisyatibo sa white sand ay parte ng P389 milyon Manila Bay beach nourishment project.

“Mga dalawang taon na po mula nang nagsimula ito, nung desilting, nung ating tanggalin ang mga burak sa ilalim, linisin iyong buong dagat. May mga gulong pa sa ilalim na narecover, natanggal na po ito at nilagyan na po ng buhangin. Supposedly black sand po iyan, naging white sand po,” giit pa ni Antiporda.

“Itong beach nourishment project, hindi po white sand ang kabuuan. At there is engineering intervention in place so the sand can withstand strong current, strong waves coming from the sea,” paglalahad pa nito.

Ayon pa sa opisyal, ang nasabing proyekto kabilang na ang operasyon sa sewage treatment plant ay nakatulong sa kalidad ng tubig sa Manila Bay mula sa pagkakaroon nito ng 1.3 bilyong coliform kada 100 milliliter ng tubig na ngayon ay nasa 700 coliform kada 100 milliliter ng tubig.

“Ang target po is 200 coliform per 100 milliliter by the end of the year para maging safe po ito sa ating mga kababayan sakali pong lumangoy sila diyan,” ani Antiporda.

Sa kabila nito, sinabi ni Antiporda na hindi pa ligtas na languyan ang Manila Bay.

“Hindi po pa puwede kasi iaayos po natin ang coliform level ng tubig para masigurado na safe na languyan,” ayon pa kay Antiporda.

Other News
  • MGCQ pagkatapos na lang ng holiday season

    Ayaw ng mga mayors sa Metro Manila na luwagan ang community quarantine ngayong Christmas season upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.   Ayon kay National Task Force Against CO­VID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. nag-iingat ang mga mayors at kung magluluwag man sa community ay pagkatapos na ng holidays.   “At […]

  • Health forum hits the mark on the urgency of lung panel testing and personalized treatment to fight lung cancer

    CANCER remains the second leading cause of death in the Philippines, with lung cancer topping the list for cancer- related mortality in the nation. This comes as no surprise as almost a quarter of Filipinos aged 15 years and above smoke cigarettes, increasing the risk of developing lung cancer.     The good news is […]

  • NCR at 7 lalawigan, inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 simula Pebrero 1

    INILAGAY ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang National Capital Region at 7 iba pang lalawigan sa ilalim ng Alert Level 2, simula Pebrero 1.     Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 ay Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao.   […]