• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mae-enjoy ng mga bata ang pagiging kontrabida: MAX, hindi nahirapang api-apihin si MARIAN dahil may permission

TINANONG namin si Max Collins kung hanggang saan niya mamalditahan at aapihin si Marian Riveta, at kung paano maging kontrabida sa Box Office at Kapuso Primetime Queen. 
Gaganap kasi si Max bilang Venus, ang magiging kontrabida sa buhay ni Katherine na gagampanan naman ni Marian sa ‘My Guardian Alien’ na bagong fantaserye ng GMA.
“Gusto niyo ba ng sample, try natin,” umpisang bulalas ni Max.
“Joke lang, masyadong maaga hindi pa tayo umeere,” pagpapatuloy pa ni Max.
“Anyway paano ba? So kasi family drama ‘to, it’s not as mabigat as I’m used to, it’s nice kasi kahit na kontrabida yung role ko dito parang there’s a lightness, I think.
“Or humor to my character in a sense where sa sobrang arte ni Venus I feel like magugustuhan siya ng mga tao kasi mae-entertain sila.
“Mae-entertain kayo sa performance ko,” at tumawa si Max.
“Because it’s something… kakaibang Max Collins ang mapapanood niyo po dito.”
Marami raw siyang mahahabang quotable quotes bilang si Venus sa ‘My Guardian Alien’.
Nagpasalamat si Max sa mga bumubuo ng ‘My Guardian Alien’, partikular sa kanilang direktor na si Zig Dulay at mga writers ng serye.
Lahad ni Max, “It’s been such a joy playing Venus kasi funny talaga. I mean nae-enjoy ko being a kontrabida for the first time, in a light sense.
“Yung pang-aapi ko kay Marian, yung pang-aapi ko sa kanya ay ano. Parang forgiving, parang forgiving for me kasi ano naman e, as you saw sa AVPparang malalim yung galit ni Venus kay Katherine at kay Tita Nova, may malalim siyang pinaghuhugutan but if you actually watched our scenes parang may pagka-funny rin yung mga away namin.
“So iyon yung mae-enjoy rin ng mga bata to watch, it’s something that is for the whole family at hindi talaga nila gagayahin, hindi nila gagayahin,” ang natatawang sinabi pa ni Max.
Mahirap bang apihin si Marian?
“No,” ang mabilis na reaksyon ni Max.
“Hindi po ako nahirapan kasi professional po ako and I love my job as an actress, it’s my job, and it’s been fun kasi nag-uusap kami beforehand e, before the scene.
“Talagang like, ‘Okay ba, na sampalin kita?’
“Ganun, ‘Okay ba na saktan kita?’
“Okay naman siya, so kaya naman sa kanya, okay di ba, may permission. Basta may permission okay,” ang bulalas pa ni Max.
Marami raw silang eksenang sampalan ni Marian sa ‘My Guardian Alien.’
Leading man ni Marian sa My Guardian Alien si Gabby Concepcion bilang si Carlos at kasama sina Raphael Landicho as Doy, Gabby Eigenmann as Dr. Ceph, Kiray Celis as Marites, Josh Ford as Aries, Caitlyn Stave as Halley, at si Christian Antolin as Sputnik.
Napapanood ang weeknights @ 8:50 pm sa GMA Prime.
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • MAHIGIT 100 TOLONGGES NA MTPB TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA, NASIBAK

    BILANG bahagi ng ipinatupad na “one strike policy” sinampolan ang isang traffic enforcer na nag-viral sa social media matapos itong sibakin dahil sa pauli-ulit na kasong mi-apprehension.     Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, Efren Fria ay sinibak  makaraang dumulog sa tanggapan ng MTPB ang motorista na kanyang tiniketan na kinilalang si Miguel Vistan. […]

  • 2nd autopsy sa labi ni Christine, mahalaga – DOJ

    Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na malaki ang pakinabang sa ikalawang awtopsiya na isinagawa ng mga forensic experts ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labi ng flight attendant na si Christine Dacera para mabatid kung ano ang totoong dahilan ng kaniyang pagkamatay bago tuluyang ilibing kahapon.   Ito ay sa kabila ng opinyon […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 53) Story by Geraldine Monzon

    “BAWIIN mo ang resignation mo Bernard at sasabihin ko sa’yo kung sino ang mastermind sa nangyari sa anak mo.”   Nakalabas na ng elevator si Bernard ngunit natigilan siya sa sinabi ni Regine na nanatili sa loob. Kunot ang noong mabilis siyang bumalik sa elevator bago ito muling nagsara at sinakal si Regine.   “Anong […]