• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sekyu na tumodas sa bading sa Valenzuela, timbog

ARESTADO ang isang security guard na tumodas sa bading na streetsweeper sa Valenzuela City nang matunton ng pulisya sa pinagtaguang lugar sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Hindi nakapalag ang suspek na si alyas “Tanieca”, 25, nang dakmain siya ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. dakong alas-2 ng hapon sa Seminary Road, Project 8, Quezon City, sa tulong na rin ng kuha ng mga CCTV at pakikipagtulungan ng kasamahang security guard ng salarin.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura, nangyari ang insidente ng pamamaril sa biktimang si alyas “Glemor”, 41, ng Ilang-Ilang St. Brgy. Maysan nitong Linggo ng gabi, Abril 7, sa Bypass Road, Brgy. Veinte Reales.
Sa pahayag ng testigong si alyas “Sarmeo” kay P/Cpt Armando Delima, hepe ng Investigation Unit, nagkita sila ng biktima sa lugar para mang “hala” ng lalaki nang dumating ang suspek dakong alas-10 ng gabi na kaagad niyang inalok na makipag-sex subalit hindi umano sila nagkasundo sa presyo.
Ang biktima naman aniya ang kumausap kay Tanieca at bahagya silang lumayo habang nag-uusap pero ilang minuto lang ay binaril na ng suspek ang kanyang kasama bago tumakas, tangay ang bisikleta at cellphone ng nasawi.
Isinugod naman ang biktima sa Valenzuela Medical Center subalit, idineklara siyang dead-on-arrival.
Positibong kinilala ni Sarmeo ang suspek habang nabawi rin ng pulisya sa kanya ang tinangay na bisikleta at mobile phone ng biktima na may kabuuang halagang P15,500, pati na ang kalibre .38 revolver na may karga pang apat na bala na ginamit niya sa pamamaril.
Ipiprisinta ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa kasong robbery with homicide na isasampa laban sa kanya. (Richard Mesa)
Other News
  • PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit

    UUNGKATIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.     Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea  sa mahalagang usapin na […]

  • “DC LEAGUE OF SUPER-PETS” FIRST TRAILER GOES PUP, UP AND AWAY!

    THE “DC League of Super-Pets” are ready to sit, stay, save the world.  Check out the action adventure’s trailer below and watch “DC League of Super-Pets” in Philippine cinemas 2022.     YouTube: https://youtu.be/m0pWinSetv4      Facebook:  https://fb.com/905903016797109      About “DC League of Super-Pets”     Dwayne Johnson stars as the voice of Krypto the Super-Dog […]

  • Slaugher itinutulak sa Gilas

    TULOY nap ala ang International Basketball Federation (FIBA) qualifying games sa darating na Nobyembre na may bubble concept.   Tuliro tuloy ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para sa Gilas Pilipinas national men’s basketball team dahil walang mabingwit na manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagtuloy ng Philippine Cup sa Oktubre 11-Disyembre 15 […]