2 drug suspects huli sa P100K droga sa Valenzuela
- Published on April 10, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., sinabi ni PMSg Carlos Erasquin Jr na dakong alas-10:15 ng Martes ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ronald Sanchez sa Dump Site, Area 4, Pinalagad, Brgy., Malinta laban kay alyas “Glenn”, 32 ng Brgy. Marulas.
Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka pinosasan ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 7-pirasong P1,000 at dalawang P500 boodle money.
Nauna rito, bandang alas-2:25 ng Martes ng madaling araw nang maaresto naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa kahabaan ng Gen T. De Leon Rd., Brgy. Gen. T. De Leon, si alyas “Ponching”, 21, construction worker.
Ani PMSg Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000, isang gramo ng marijuana na nasa P120 ang halaga at buy bust money na isang P500, kasama ang 8-pirasong P1,000 boodle money at P200 recovered money.
Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Mga recovered patients, partially vaccinated payagang kumain sa mga resto- NTF adviser Herbosa
DAPAT ding payagang kumain sa mga restaurants ang mga indibidwal na naka-recover mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions. Ito ang pahayag ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-ban ang mga unvaccinated individuals na pumasok […]
-
Ads May 24, 2022
-
DA, pinag-aaralan ang lahat ng opsyon para ibaba ang presyo ng sibuyas, pinag-iisipan ang pag-angkat
SA GITNA nang tumataas na presyo ng sibyas sa piling pamilihan, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat ng commodity, para mapababa ang presyo nito. Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na nakikipag-ugnayan na sila sa mga onion farmers para […]