• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong Partido ng Maynila inilunsad

NAGSAMA-SAMA  ang iba’t ibang sektor  para sa pormal na pagtatatag at paglulunsad ng bagong partido sa Maynila.

 

 

Tinawag ang partido na United Manileños na layon ng isang pagbabago mula sa kasalukuyang nangyayari sa lungsod

 

 

Kabilang sa mga sektor na nakiisa sa panawagan ng pagbabago at pagtatag ng bagong partido ang hanay mula sa urban poor, vendor, senior citizens , LGBTQ at mga dating vendors sa Divisoria mall

 

 

Ayon kay Captain Niño Magno, founder ng United Manileños, ang kanilang grupo ay binubuo ng mga ordinaryong residente sa lungsod na nananawagan ng pagbabago.

 

 

Bagama’t bago palang ang kanilang grupo, umaasa aniya silang lalakas ang kanilang pwersa para magkaroon sila ng boses na maipanawagan ang kanilang mga hinaing.

 

 

Nilinaw din ni Magno na walang pulitiko o sinumang personalidad ang nasa likod nila.

 

 

Pero aminado siya kung mabibigyan sila ng pagkakataon, handa silang sumuporta sa mapipili nilang kandidato kung sakali.

 

 

Ang official launching ng United Manileños ay ginawa kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating Manila Congw. at dating Presidential Management Staff Naida Angping. GENE ADSUARA

Other News
  • No. 24 sa jersey nina Ravena, Manuel aprub sa PBA

    PINAYAGAN na sina Vic Manuel at Kiefer Ravena ng PBA na baguhin ang kanilang jersey number sa pagsisimula ng season-opening ng Philippine Cup bilang tribute sa kanilang idolong si Kobe Bryant.   Sinabi ni Commissioner Willie Marcial na dapat magsabi ang mga manlalaro at ibang mother ballclubs sa liga tungkol sa plano nilang pagpapalit upang […]

  • Frankie, nag-apologize matapos batikusin ni Markki

    NAG-APOLOGIZE si Frankie Pangilinan matapos na batikusin ng actor-singer na si Markki Stroem ang kanyang shared post na naglalaman ng pangalan ng mga suspects sa kontrobersyal na kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.     Dahil sa nai-tweet ni Frankie kaya hindi napigilang mag-react si Markki na kung saan kasama sa […]

  • P32M BINALIK NG NAVOTAS PARA SA KARAGDAGANG AYUDA

    IBINALIK ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ilang alokasyon nito para sa iba`t ibang tanggapan upang maibigay ang enhanced community quarantine (ECQ) ‘ayuda’ sa lahat ng beneficiaries.     Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Appropriations Ordinance No. 2021-09 para sa reversion ng P32.4 million na inilaan para sa machinery repair at maintenance, drugs […]