• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zero COVID case reward sa Maynila, suportado ng DOH

“Huwag itago ang tunay na estado ng kaso COVID-19 sa kanilang lugar.”

Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) kasunod ng pagbibigay ng reward na P100,000 ang pamahalaang lungsod sa mga barangay sa Maynila na makakapagtala ng zero COVID-19 case sa loob ng dalawang buwan na magsisimula sa September 1 hanggang October 31.

Bagamat suportado ng DOH ang proyekto ng pamahalaang lungsod ng Maynila, mainam din ayon sa ahensya na magsabi ng totoo ang mga barangay sa paglalabas ng datos dahil kung may itatago sila ay hindi ito makakatulong sa kahit na sino.

Sinabi ng DOH na bilang local chief executive, may “local autonomy” si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kanyang nasasakupan.

Una na ring sinabi ng alkalde na ang mga datos ay iba-validate ng Manila Health Department mula sa pampubliko at pribadong mga ospital.

Ikinatuwa naman ng DOH ang ginagawang hakbang ng Maynila para lamang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

Sa paraang ito ng Maynila, umaasa ang DOH na maraming maeengganyo na sumunod sa health protocol na ipinatutupad ng Kagawaran at ng gobyerno. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads October 29, 2020

  • Hotshots ikakasa ang bonus vs Bolts

    ISANG panalo na lang ang kailangan ng nangu­ngunang Magnolia para makapasok sa Top Four sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup.     Sasagupain ng Hotshots ang Meralco Bolts ngayong alas-6 ng gabi matapos ang banggaan ng NorthPort Batang Pier at Blackwater Bossing sa alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.     Kasalukuyang pinamumunuan ng […]

  • Mahigit 9 milyong kabataang menor de edad , bakunado na laban sa Covid-19

    MAHIGIT sa 9 milyong kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang naka-kumpleto na ng kanilang Covid-19 doses habang 91,000 na may edad 5 hanggang 11 ang nakakuha naman ng kanilang initial shots “as of Monday.”     “There have been no reported serious adverse events following vaccination in the country,” ayon kay National […]