• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US, Japan popondohan ang Luzon corridor, O-RAN tech

KAPWA nangako ang gobyerno at pribadong sektor ng Estados Unidos at Japan na maglalaan ng milyong dollar para pondohan ang mga proyekto sa Pilipinas sa imprastraktura at teknolohiya.

 

 

Inanunsyo ng senior administration official ng White House na ang PGI Luzon corridor, magkokonekta sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas ay naglalayong palakasin ang coordinated investments sa “high-impact” infrastructure projects.

 

 

Kabilang na rito ang “ports, rail, clean energy, semiconductors, supply chains,” at maging ang iba pang uri ng connectivity o pagkakakonekta sa Pilipinas.

 

 

“We will be holding events and setting up a steering committee to accelerate the work on this Luzon corridor, and the Development Finance Corporation will open its first regional office in the Philippines as part of this announcement,” ayon pa rin sa senior administration official.

 

 

Sinabi pa rin nito na ang mga gobyerno at industriya ng Estados Unidos at Japan ay maglalaan naman ng bilyong dollar para pondohan ang open radio access network (O-RAN) technology field trials sa Maynila.

 

 

Susuportahan din nito ang Asia O-RAN Academy sa Maynila, na naglalayong tiyakin na maisusulong ang “future commercial deployment.”

 

 

“We’re working closely with the government of the Philippines to ensure that we can partner as a trilateral grouping to deliver secure, trusted ICT technology in the Philippines,” ayon pa rin sa naturang opisyal. (Daris Jose)

Other News
  • Balik-trabaho na after almost four years: MARIAN, in-announce na malapit nang mag-taping sa sitcom nila ni DINGDONG

    AFTER almost four years, ready na muling bumalik sa trabaho si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.      Nauna rito iyong hindi muna siya tumanggap ng work after giving birth to their second child ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, si Jose Sixto IV.     At nang pwede na sana siyang mag-work, saka naman […]

  • Obiena umaasang muling makakasama sa Philippine team

    SA pagbabago ng liderato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay umaasa si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena na muli siyang mapapasama sa national team.     Nagbitiw si Philip Ella Juico sa kanyang puwesto bilang PATAFA president noong Hunyo para tutukan ang ‘personal and business interests’ niya at pinalitan […]

  • Anak nina JOHN LLOYD at ELLEN, ‘di na tinatago at kampante na kay DEREK

    KUNG gaano halos itinatago noon ang mukha ni Elias, ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa social media, ngayon  ay out na out na ito sa mga video ni Ellen.     Maging si Derek Ramsay ay nagpo-post ng video na kasama sina Ellen at anak nito. Nakahiga sila sa kama, nakagitna si […]