• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Salary increase ng teachers sa 2021 tiniyak ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang kanilang salary increase na kabilang sa 2021 national budget.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, nasa P475 bilyon ang inilaan sa mga serbisyo ng ahensya kabilang na angf sahod, allowance at mga benipisyo ng kanilang mga empleyado.

“By next year meron naman pong salary increase. Ito ‘yung second tranche noong Salary Standardization Law,” saad ni Sevilla.

“Meron pong kasiguraduhan sa ating mga guro na naka-employ ngayon,” dagdag pa nito.

Nabatid na tumaas ng 13.54 percent ang pondong inilaan sa DepEd kumpara nooong 2020 budget kung saan nasa P418.4 bilyon lang ito.

Sa kasalukuyan ang sektor ng edukasyon ang nakakuha ng pinakamalaking budget sa National Expenditure Program para sa taong 2021 kung saan PP606.4 bilyon dito ay mapupunta sa DepEd. (Daris Jose)

Other News
  • LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET

    Sinumulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntang mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET).     Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong […]

  • ValTrace magagamit na rin sa Mandaluyong

    Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo.     Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng […]

  • Transport News DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.     Sa isang simpleng programa, sinabi […]