• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House painter kulong sa P115K droga sa Caloocan

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 48-amyos na house painter na sangkot umano sa ilegal ba droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si alyas “Remuel”, ng Ph8ABlk 171  Lot 3 Pkg 12, Bagong Silang.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta, habang nagpaparulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 sa Bagumbong Road, Brgy. 171 nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport sa kanila ang nagaganap umanong drug trade malapit sa lugar.

 

 

Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-2:00 ng madaling araw.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa suspek ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 17 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P115,600.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan dahil sa kanilang mga inilatag na police visibilty at pagpapatrulya sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Sinupalpal ng Malakanyang ang mga nagnanais na makakuha ng kopya ng (SALN) ng Pangulo

    TILA sinupalpal ng Malakanyang ang mga nagnanais na makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ininguso at itinuro ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga ito na magpunta ng Ombudsman at doon humingi ng kopya.   Ito’y sa kabila ng nagpalabas na ang ahensiya […]

  • Mga manggagawang nagpositibo sa libreng RT-PCR test sa Maynila, umabot na sa 121

    UMABOT na sa 121 mangaggawa ang nagpositibo sa COVID-19 makaraang isailalim ang mga ito sa libreng RT-PCR o swab test na inihandog ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila alinsunod na din sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.   Ayon kay Manila Public Information Office (MPIO) Chief Julius Leonen, ang 121 manggagawa ay […]

  • GINANG TUMAWID SA KALSADA, PATAY

    NASAWI ang isang 49-anyos na ginang  nang nabangga ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa Intramuros Maynila Linggo ng hapon.     Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktimang si  Rodella Florintino Litaw, walang asawa ng Brgy 658 Intramuros Manila subalit dakong alas-3:23 kamakalawa ng hapon ay nalagutan ito ng hininga.     Kinilala […]