Kongreso magiging katuwang ng PSC
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
IPINANGAKO ng Congress Committee on Youth and Sports Development ang pag-asiste sa paghiling ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.
Batay ito sa committee regular meeting sa nakaraang linggo sa House of Representatives sa Quezon City na dinaluhan ng iba pang sports official.
Napag-alaman kamakalawa kina PSC Chairman William Ramirez at Committee chairman Eric Martinez ang pangangailangan ng sports agency nang bawasan ang badyet sa taong ito pata iayuda sa Covid 19.
“We were one of those government offices who also contributed to the Bayanihan Act. The DBM (Department of Budget and Management) deducted from us,” ani Ramirez.
Pinangwakas niyang: “Para sa amin malaking bagay ‘yun kasi kasama doon ‘yung Olympic budget namin. Hanggang ngayon po bakante ‘yan. It’s an opportunity for us to ask, we need your help,” ani Ramirez nitong Huwebes. (REC)
-
50% na tapyas sa allowance ng mga nat’l athletes, coaches pansamantala lang – PSC chief
Siniguro ng Philippine Sports Commission (PSC) na hindi pangmatagalan ang 50 porsyentong tapyas sa buwanang allowance ng mga atleta at coach na kabilang sa national pool. Una rito, ipinaliwanag ng PSC na ang nasabing hakbang ay bunsod ng malaking pagkabawas sa natatanggap nilang monthly remittance mula sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR). Dahil […]
-
2 TULAK TIMBOG SA P.7M SHABU
DALAWANG umano’y notoryus drug pushers ang nalambat ng mga awtoridad matapos makuhanan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Norhern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Jessie Villazur, 36, ng J.A. Roldan St., […]
-
Mag-ina binaril sa ulo ng jail officer bago nagpakamatay din
NASAWI ang 55-anyos na ginang at ang dalaga niyang anak matapos barilin sila sa ulo ng jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na kalaunan ay nagbaril din sa sarili sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw. Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Lanie” at ang jail officer na si alyas […]