Nabawasang bulto at halaga ng nasamsam na illegal na droga sa Batangas, walang dahilan para magduda- Abalos
- Published on April 20, 2024
- by @peoplesbalita
WALANG nakikitang dahilan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para magduda at pagdudahan ang dami at halaga ng napalathalang nahakot na illegal na droga sa Alitagtag, Batangas matapos na mabawasan ito.
Giit ni Abalos, dumaan ito sa tamang proseso.
Kaya nga ang pakiusap ng Kalihim sa publiko at sa mga mamamahayag ay alisin ang pagdududa at bigyan ng pagkilala ang mga taong nasa likod ng matagumpay na operasyon.
Nauna na kasing napaulat na humigit kumulang dalawang tonelada ng hinihinalang shabu ang nasabat sa checkpoint ng mga awtoridad na nasa isang van sa Alitagtag, Batangas. Ang halaga nito, umaabot sa P13.3 billion, ayon sa pulisya.
Subalit ngayon ay lumalabas base sa paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles na nasa 1.4 tonelada lamang o P9.68 bilyong halaga ng crystal meth, na tinatawag na shabu, ang nasabat ng mga tauhan nito sa bayan ng Alitagtag sa lalawigan ng Batangas noong Abril 15 batay sa opisyal na bilang nito.
Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang ulat na ang halagang P13 bilyon na ibinigay nung una ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay pagtatantya lamang.
“Yung almost 2 tons na ibinigay was just an initial estimate of PDEA na base sa itsura at laman ng sako pero wala pa pong actual counting na nangyari doon,” ani Fajardo sa isang phone interview.
“Then nung matapos po ‘yung inventory kahapon, ang nabilang na lahat ng laman ng sako it turned out na nasa 1.4 tons po yung official count ng mga illegal drugs,” dagdag pa ng opisyal.
Sinabi rin ni Fajardo na ang inilabas na numero ng Batangas police ay hindi isang corrected version, dahil isinara niya ang anumang implikasyon na maaaring nabawasan na ang mga nakumpiskang narcotics.
“Hindi na dapat ito pag-uusapan kasi para sa akin klaro naman na estimate,” ang pakiusap naman ni Abalos.
Matatandaang, si Abalos ang nag-anunsyo na “more or less” P13.3 bilyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtyoridad, itinuturing itong “biggest single haul” ng illegal na droga na nakumpiska.
Ipinakita rin nya ang mga nasabing epektos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Idinepensa naman ni Abalos ang nauna niyang pahayag sa isang video kung saan sinabi niya ang tinatayang halaga.
Sa bagong kabuuang halaga ng nasamsam na illegal na droga, sinasabing P3.6 bilyong piso ang ibinaba nito sa kabuuan na nauna nang inanunsyo. (Daris Jose)
-
Highly-awaited cinema release of Japan’s blockbuster hit “Look Back” to debut nationwide in PH cinemas
The wait is over! The anime adaptation of Look Back, from Chainsaw Man creator Tatsuki Fujimoto will have a Philippine release on August 28. Yūmi Kawai (Plan 75) and Mizuki Yoshida (Alice in Borderland) lend their voices to lead characters Fujino and Kyomoto, respectively. Watch the trailer […]
-
Kasama sa sports drama series na ‘Heart on Ice’: Two-time Olympian na si MICHAEL, tuloy na ang pagsabak sa pag-aartista
TULOY na nga sa pagsabak sa pag-aartista ang Sochi Olympic Winter Games veteran na si Michael Martinez! Kasali siya sa cast ng upcoming Kapuso serye na ‘Hearts on Ice’. Ang co-star niyang si Sparkle female star na si Roxie Smith ang naghayag sa kanilang paghahanda para sa sports drama series kung saan makakasama […]
-
Ads May 20, 2021