• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sa sports drama series na ‘Heart on Ice’: Two-time Olympian na si MICHAEL, tuloy na ang pagsabak sa pag-aartista

TULOY na nga sa pagsabak sa pag-aartista ang Sochi Olympic Winter Games veteran na si Michael Martinez!

 

 

Kasali siya sa cast ng upcoming Kapuso serye na ‘Hearts on Ice’.

 

 

Ang co-star niyang si Sparkle female star na si Roxie Smith ang naghayag sa kanilang paghahanda para sa sports drama series kung saan makakasama niya rito sina Xian Lim, Ashley Ortega at ang two-time Olympian na si Michael nga.

 

 

Sa Instagram, ibinahagi ni Roxie ang isang video kung saan makikita na binuhat siya ni Michael habang nasa loob ng skating rink.

 

 

“Hearts on Ice with our very own Olympian and Philippine pride 🇵🇭 @mz_viral soon on GMA,” aniya sa kaniyang caption.

 

 

Ayon kay Michael, ito ang unang pagkakataon na may binuhat siya habang nagfi-figure skating.

 

 

“First Time EVER doing a Lift On The Ice! 😆✨ With @roxieebae ✨ #HeartsOnIce stay tuned! ❤️‍🔥” sulat niya.

 

 

Ikinagulat naman ito ng Kapuso actress, “Wow didn’t know this was the first, isang karangalan to be the one carried haha,” sagot ni Roxie.

 

 

Makakasama rin sa naturang serye ang Sparkle artist at national figure skater na si Skye Chua.

 

 

***

 

 

LUBOS ang pasasalamat ni Andrea Torres sa mga manonood na suporta sa kaniyang role bilang Sisa sa ‘Maria Clara at Ibarra’.

 

 

Sa episode ng show nitong January 13 ay nagpaalam na ang kaniyang karakter na si Sisa, ang ina nina Crispin at Basilio.

 

 

Para sa Kapuso actress, tumatak sa kaniyang puso at isipan ang naturang karakter kung kaya’t hindi niya ito malilimutan.

 

 

“Sisa, maraming salamat sa karangalan na maisabuhay ang kwento mo ❤️ At maraming salamat sa inyong lahat at pinapasok niyo kami sa inyong mga puso. Isa ito sa mga role na di ko kailanman mabibitawan at haaaay, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa biyayang ito,” aniya sa kaniyang Twitter post.

 

 

*** 

 

 

DALAWANG diehard na mga tagahanga ni Miguel Tanfelix ang nagmamay-ari ngayon ng kalahating jacket ng ‘Voltes V: Legacy’ male lead!

 

 

Sa ginanap kasing Kapuso Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan kamakailan ay isa si Miguel sa mga naging guest artist at sa kanyang performance ay inihagis ni Miguel ang suot niyang jacket na may autograph.

 

 

Iyon nga lang, dalawang fans ang sabay na nakasalo ng jacket ni Miguel, sina Leona Albelar at John Romel at sa halip na mag-away ay nagdesisyon ang dalawa na gupitin ang jacket ni Miguel para nga naman pareho silang may souvenir mula sa guwapong Sparkle male actor.

 

 

Sa kanyang Facebook account ay nagpasalamat si Leona sa pagkakaroon ng jacket ni Miguel although may kaunti itong panghihinayang dahil kalahati lamang nga ang napunta sa kanya.

 

 

Sinabi rin ni Leona na hindi siya halos makatulog dahil napakabango ng jacket ni Miguel.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Blended learning, patuloy na gagamitin sa PH para sa susunod na school year – DepEd

    PATULOY pa ring gagamitin ng Department of Education (DepEd) ang blended learning sa bansa para sa susunod na school year.     Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones na hindi parin aalisin ang blended learning sa kabila ng paghihikayat sa lahat ng public at private schools na magsagawa na ng in-person classes para sa school […]

  • Songs of Songs 4:7

    You are all beautiful.

  • Magic coach Steve Clifford nagpositibo sa COVID-19

    Nagpositibo sa COVID-19 ang head coach ng Orlando Magic na si Steve Clifford.     Papalit pansamantala sa puwesto nito ang assistant coach na si Ty Corbin.     Sinabi ni Clifford na unang nagpositibo ito sa pagkatalo nila laban sa New Orleans Pelicans at nagnegatibo nitong Biyernes bago nagpositibo nitong Sabado.     Nagtaka […]