Haponesa sasawatain si Saso
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
KAKASAHAN si Yuka Saso ng Pilipinas nG 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion na si Ai Suzuki ng Japan para hindi maparehasan ang three-straight title mark niya sa mayamang liga.
Maski ang iba pang mga kasali kaparehas ang misyon ng Japanese laban sa 19-year-old na Fil-Jap sa paghampas ngayong Biyernes (Setyembre 4) ng Golf 5 Ladies Professional Golf Tournament sa Golf5 Country Mizunami Course sa Gifu.
Ang probla lang malamang na wala pa sa kondisyon ang 26-anyos na Haponesa dahil sa kakulangan niya mga torneo sa nakalipas na buwan dahilan na rin sa Covid-19 na natumpyas din sa maraming yugto ng Japan tour na ito.
Kapag nakatatlong dikit na korona naman ang tubong San Ildefonso, Bulacan na si Saso, bukod sa record ni Suzki, m,agiging kalakip pa na siya ang unang tinedyer na nagtamo nito nito.
Ang kambal na sunod na tagumpay ni Saso ang nag-upo na rin sa kanya sa No. 76 sa world rankings na basehan sa mga hahambalos sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. (REC)
-
BRAD & CO-STARS MAKE PIT STOPS TO EUROPEAN CITIES TO PROMOTE “BULLET TRAIN”
THE stars of Bullet Train dazzled in Paris, Berlin and London as the European tour kicked off earlier this week! Check out the photos below of Brad Pitt, Joey King, Aaron Taylor-Johnson and Brian Tyree Henry on the red carpet and photocall events. Watch Bullet Train in cinemas across the Philippines on August 03. Trailer: https://youtu.be/Eku2gerbnMc […]
-
Pagpatay sa lady broadcaster, kinondena ng NPC
KINONDENA ng pamunuan ng National Press Club (NPC) ang pagpatay sa isang babaeng broadcaster sa Barangay Tumaga sa Zamboanga City ng sariling pinsan dahil umano sa away sa lupa. Nagpaabot naman ng pakikiramay si NPC President Leonel “Boying” Abasola sa mga naulilang pamilya ni Maria Vilma Rodriguez , 56, isang Radio Anchor ng Emedia […]
-
Didal malaki ang tsansang makasama sa Tokyo Olympics
Kumpiyansa ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na makakakuha si Pinay skateboarding sensation Margielyn Didal ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. “For more than a year pasok siya para sa Olympic slot,” sabi ni SRSAP president Carl Sambrano kay Didal, ang 2018 Asian Games at 2019 Southeast […]