DOTr: Di na papayagan ang karagdagang motorcycle taxis sa MM
- Published on April 20, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI na papayagan ang pagkakaroon ng karagdagang motorcycle taxis sa Metro Manila dahil sa pagkakaroon ng negative impact sa lumalalang pagsisikip ng trapiko lalo na kung daragdagan pa ang mga bilang nito.
Kamakailan lamang ay naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may 2,000 slots pa ang ibibigay sa bawat isa ng apat (4) na bagong kumpanya ng motorcycle taxis na kung saan sila ay binigyan ng pagkakataon hanggang noong April 15 na makumpleto ang nasabing alokasyon.
Ang nasabing alokasyon ay ginawa matapos sabihin ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz na magkakaroon ng moratorium sa pagpapalawig ng motorcycle taxis. Kung kaya’t nagkaroon ng paglilinaw ang DOTr tungkol sa nasabing moratorium at alokasyon dahil sa kalituhan sa sinabi ni Guadiz.
Sa isang panayam kay DOTr Secretary Jaime Bautista ay kanyang sinabi na ang 8,000 slots na pinayagan ng LTFRB ay magkakaroon ng operasyon sa labas ng Metro Manila.
“The LTFRB will stop adding the motorcycle taxi units in Metro Manila. The eight thousand slots for new players recently announced were intended only in the provinces,” sabi ni Bautista.
Ang nasabing paglilinaw ay lumabas sa gitna ng panawagan at debate na magkaroon ng moratorium sa pagpapalawig ng motorcycle taxis sa kalakhang Maynila.
Isa na rito ang panawagan ng House Committee on Metro Manila Development kasama rin ang panawagan ng iba’t ibang grupo sa transportasyon na may advocacy para sa paghihinto ng pagpapalawig ng motorcycle taxis dahil na rin sa maraming problema tungkol dito.
“This decision aligns with the department’s vision to balance transportation services across different regions while addressing the specific needs and challenges of each area. By redirecting additional MC taxi units outside of Metro Manila, the DOTr aims to alleviate congestion and enhance mobility in the capital region,” saad ni Bautista. LASACMAR
-
OVP naglunsad ng libreng job platform para sa mga unemployed dahil sa pandemic
Dahil sa epektong idinulot ng COVID-19 pandemic sa sektor ng manggagawa, naglunsad ang Office of the Vice President (OVP) ng libreng online platform para sa mga naghahanap ng bagong hanapbuhay at oportunidad. Target ng BAYANIHANAPBUHAY initiative na tulungan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho mula nang pumutok ang krisis ng coronavirus sa bansa. […]
-
Malaking sunog naitala sa New York matapos ang pagbangga ng oil tanker sa gusali
NAGDULOT ng malawakang sunog ang pagbangga ng oil tanker sa isang gusali sa Long Island, New York. May laman na 9,200 gallons ng gasolina ang truck ng mawalan ng control ang driver at ito ay bumangga sa Rockville Center. Bumaligtad ang truck bago bumangga sa bakanteng establishemento. Umabot pa […]
-
Ads January 18, 2024