• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OVP naglunsad ng libreng job platform para sa mga unemployed dahil sa pandemic

Dahil sa epektong idinulot ng COVID-19 pandemic sa sektor ng manggagawa, naglunsad ang Office of the Vice President (OVP) ng libreng online platform para sa mga naghahanap ng bagong hanapbuhay at oportunidad.

 

Target ng BAYANIHANAPBUHAY initiative na tulungan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho mula nang pumutok ang krisis ng coronavirus sa bansa.

 

Pati na ang mga tinatawag na “blue-collar workers,” umuwing OFWs na wala na ring trabaho, at mga kompanyang nangangailangan ng dagdag na empleyado.

 

“We have been receiving a lot of SOS messages from people looking for work. When we were doing our shuttle services, we had passengers who were doing door-to-door job applications,” ani VP Leni.

 

“We hope that, through this platform, they would have an easier time finding work opportunities.”

 

Katuwang ng OVP sa inisyatibo ang kompanyang Elevatech, na siyang nag-develop ng website na https://sikap.ph, kung nasaan ang BAYANIHANAPBUHAY.

 

As of September 10, nasa 2,796 job openings na raw mula sa iba’t-ibang kompanya ang naka-post sa website.

 

Ilan sa mga kompanyang nakipag-partner sa OVP ay ang: EMS Services Philippines, Inc. (ESPI), D.M. Consunji, Inc., Lots’a Pizza, Concentrix, Empire East Land Holdings, AECOM Philippines, GET Philippines, McBride Corporation, Omni Petroleum Corp, at Solarwinds Software Asia PTE LTD – Philippines Branch.

 

Maaari raw magpadala ang iba pang employers ng kanilang job vacancy postings sa bayanihanapbuhay@ovp.gov.ph.

Other News
  • Cristiano Ronaldo, tinanghal bilang highest paid football player ng Forbes

    Tinanghal bilang highest-paid football player ng Forbes magazine si Manchester United Forward Cristiano Ronaldo.     Dahil dito ay nahigitan niya si Lionel Messi.     Base sa Forbes sa mayroong kabuuang kita ito na $125 milyon kung saan $70 milyon ay mula sa kaniyang sahod at bonuses.     Habang mayroong $110-M naman na […]

  • After nang nagawang dramatic scenes at pagpapa-sexy: CINDY, masaya dahil natupad ang wish na makapag-action sa 10-part series na ‘Iskandalo’

    MASAYA ang former beauty queen na si Cindy Miranda dahil sa 10-part Vivamax Original series na Iskandalo natupad ang isa sa pangarap na niya na makapag-action.     Napatunayan niya na kayang maitawid nang maayos ang mga dramatic scenes bukod pa sa ginawa niyang pagpapa-sexy.     Gumaganap kasi si Cindy na isang lady cop na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng […]

  • Malakanyang, naniniwala na hindi na sisirit pa ang kaso ng Covid -19

    NANINIWALA ang Malakanyang na posibleng hindi na sumirit pa ang kaso ng COVID-19 habang ang bansa ay kumikilos para pagaanin restrictions sa public transportation.   Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, batid naman na ng mga Filipino kung ano ang gagawin sa panahon ng pandemiya.   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay […]