• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 babae na miyembro ng ‘Anakbayan’ sumuko sa Valenzuela police

KUSANG loob na sumuko sa pulisya at nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang babaing miyembro ng makakaliwang grupong ‘Anakbayan’ sa Valenzuela City.

 

 

“Pinangakuan po kami ng pabahay at financial, pero wala naman pong natupad. Puyat, pagod, at gutom lang po ang nakuha namin,” magkasabay na pahayag nina alyas “Anie”, 23, at alyas “Reylin”, 25, na apat at tatlong taong naging miyembro ng Anakbayan, ayon sa pagkakasunod, nang sumuko kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr.

 

 

Isinagawa ang pormal na pagsuko ng dalawang miyembro ng organisasyon sa conference room ng Valenzuela Police Station kaugnay sa Balik-Loob Program ng pamahalaan na dinaluhan din ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, at iba pang matataas na opisyal ng Joint Task Force (JTF) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagsagawa ng special intelligence operation, kasama ang puwersa ng Valenzuela Police Intelligence Section na pinamumunuan ni P/Maj Randy Llanderal.

 

 

Hinimok din ng dalawa ang iba pang miyembro ng organisasyon na magbalik-loob na rin sa pamahalaan na higit anilang nakakatulong sa kanilang pamilya sa oras ng kagipitan.

 

 

Matapos lumagda ng katapatan sa pamahalaan, tumanggap ng grocery packs, salapi at livelihood assistance ang dalawa.

 

 

Sa kanya namang mensahe, ipinaliwanag ni Col. Destura ang kahalagahan at kagandahan ng Balik-Loob Program ng pamahalaan na dahilan kaya’t marami na ang nagpapasiyang tumiwalag sa kinaa-anibang makakaliwang grupo. (Richard Mesa)

Other News
  • Lord’s Glock Singles Empowerment Seminar

  • Sikat na Fil-Am Drag Queen na si MANILA LUZON, dumating na sa bansa para sa ‘Drag Den Philippines’

    DUMATING sa bansa ang sikat na Filipino-American drag queen na si Manila Luzon.     Nandito si Manila Luzon para sa gagawin niyang Filipino drag race contest na Drag Den Philippines.     Pinost niya via Instagram on Sunday na naka-red outfit siya habang naka-pose sa balcony ng kanyang hotel room.     Sa Twitter […]

  • Thirdy Ravena, prayoridad pa ring makapaglaro sa Gilas kahit sa Japan na maglalaro

    Hindi pa rin binibitawan ni dating Ateneo Blue Eagles star player Thirdy Ravena na mapabilang sa Gilas Pilipinas.   Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kahit na kinuha na siya na maglaro sa isang koponan ng Japan Basketball League.   Si Ravena kasi ang kauna-unang Filipino na pumirma at […]