• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque hindi sang-ayon na makasuhan sa PhilHealth mess: ‘I intend to clear my name’

Dismayado si Health Sec. Francisco Duque III sa pagkakasali niya sa mga pinakakasuhan ng Senado kaugnay ng kontrobersya ukol sa umano’y korupsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

“I just finished a series of meetings and was only informed of the sponsorship speech of Senate President Sotto on the findings of the Committee of the Whole on PhilHealth just now.”

 

Si Duque ang chairman ng PhilHealth board, pero ayon sa kanya, non-voting ang kanyang posisyon sa state-health insurance. Ibig sabihin, hindi ikinokonsidera ang boto niya sa mga deliberasyon ng board.

 

“As a non-voting Chairman under Universal Healthcare Law, it is unfortunate that I was impleaded in the alleged IRM irregularities when I was not even present during the deliberation nor did I sign the Board Resolution.”

 

Binigyang diin ng kalihim ang pakikipagtulungan niya sa mga mambabatas na nag-iimbestiga sa issue.

 

“This is not the best time for the Executive to have a difference with the Legislative branch, but two weeks ago I went to the Senate to shed light on the issues based on my personal knowledge.”

 

Kabilang ang Health secretary sa mga inirerekomenda ng mga Senador na kasuhan dahil sa nadiskubreng korupsyon sa loob ng ahensya. Kasama niyang pinakakasuhan ang mga nag-resign na sina PhilHealth president and CEO retired B/Gen. Ricardo Morales Jr., at executive vice president Arnel de Jesus.

 

Pati na ang mga senior vice president’s na sina Renato Limsiaco (for fund management sector), Israel Francis Pargas (for health financial policy sector), at iba pang dawit sa sinasabing iligal na implementasyon ng interim reimbursement mechanism (IRM).

 

Sa kabila nito, nangako ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon si Duque.

 

“As I have previously stated, I will cooperate with my any inquiry on the matter by the concerned government agencies. Certainly, I intend to clear my name.” (Daris Jose)

Other News
  • Maraño tinutukan ang BREN

    NAGDIWANG ang sambayanang Pilipino sa sa pagtanghal sa ng BREN Esports na kampeon nitong Linggo lang sa M2 World Championships 2020 sa Singapore kung nagantimpalaan pa nang tumataginting na $140,000 (P6.7M).     Isa sa mga buhos ang suporta sport at sa team ay ang Philippine SuperLiga (PSL) star na si  Abigail ‘Aby’ Maraño ng […]

  • Sanib-pwersa ang mga ‘Bagong Idolo ng Senado’… MONSOUR, RAFFY, at Gen. ELEAZAR, maaasahan sa maayos na trabaho na walang kinatatakutan

    NAGSANIB pwersa sa kanilang kampanya ang tatlong senatorial candidates na may iisang layunin na makapaglingkod sa sambayanang Pilipino. Sina Monsour Del Rosario, Raffy Tulfo, at Gen. Guillermo Eleazar ang tinagurian mga “Bagong Idolo ng Senado. Dinumog ang tatlong kandidato sa naganap na grand rally nitong May 5 sa Cauayan, Isabela, ang hometown ni Tulfo, Bagamat […]

  • 44 bagong ruta sa MM, binuksan

    NAGBUKAS ng karagdagang 44 ruta ng tradisyunal na jeepney ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).   Pinayagan din ng LTFRB ang karagdagang 4,820 jeep na pumasada sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-058.   Dahil dito, umabot na sa 27,016 traditional PUJs ang bumibiyahe sa 302 ruta sa Metro […]