Sa estado ng kanilang relasyon… MARCO, umaming nasa halfway na sila ni HEAVEN
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
TINANONG si Marco Gallo, since ang pelikula nila ni Heaven Peralejo ay ‘Men Are From QC, Women Are From Alabang’, kung nasaan na ang relasyon nila ni Heaven kung lugar ang pagbabasehan.
“Tingin ko, nasa Ortigas na tayo,” pakli ni Marco.
Dagdag pa ni Marco…
“We’re halfway na.
“You know, working with Heaven is just this sweet-hate relationship we have. I just love it. Sometimes it could be hard because we’re like best friends.
“You know, sometimes you feel like falling in love and sometimes you feel like hating each other.
“Just because, you know, we’re so comfortable with each other that we just can’t help being ourselves. So, because you don’t wanna ruin it, you just try to be friends.
“But sometimes you can’t help it and some things just come out of your mouth and you’re wondering if that’s the right thing to say.
“So, I feel like at what point we are, we’re just really trying to wait for it in every single project that we have and taking it–until now, after a year, taking it slow.”
Ang pelikulang Men Are From QC, Women Are From Alabang ay hango sa libro ni Stanley Chi na may parehong titulo.
Mula sa Viva Films at Sari Sari, MQuest Ventures, Studio Viva at Epik Studio ito ay sa direksyon ni Gino Santos, at mapapanood sa mga sinehan sa May 1.
***
HINDI napupunta kay Ronnie Liang ang mga kinikita ng mga kanta niya mula sa kanyang albums.
Lahad ng male balladeer, “Yung mga royalties ko actually, tsaka yung mga sales from my albums, pinagsasama-sama ko sila para sa Ronnie Liang Project Ngiti Foundation.”
One hundred percent ng kita ng mga kanta niya Ronnie mula sa lahat ng music platforms ay napupunta sa kanyang foundation kung saan nagpapaopera siya ng mga batang may cleft lip o cleft palate o bingot.
“Kasi mahal ang isang bata, eighty thousand,” at natawa si Ronnie. “Inooperahan, lahat, tapos pati transportation, pati accommodation.”
May mga bata kasi na nangagaling pa sa malalayong lugar na dinadala ni Ronnie sa Maynila upang maoperahan.
Pinagkuwento namin si Ronnie kung paano ito nagsimula.
“The Ronnie Liang Project Ngiti Foundation started 2021. “In one of the episodes ng Sing Galing, birthday episode ko iyon, may isa kaming [guest] teenager na inoperahan, may cleft, and na-inspire ako.
“Sabi ko bakit hindi ko siya ituloy since ang kanta ko ay Ngiti, so why not spread more ngiti and good vibes?
“Akala ko nung una mga lima, sampu lang yung mga bata, hindi pala,” bulalas ni Ronnie, “isang libo po yung nakapila.
“Kaya usually yung mga talent fees ko, a portion of it, yung mga royalties ko, mga digital revenues ko sa Youtube channel and Facebook pinagsasama-sama ko para sa mga bata.
“Good thing we partnered with Smile Train Philippines, Saint Vincent General Hospital, San Fernandino Hospital, para maoperahan yung mga bata, na mas mabilis.
“Kasi habang lumalaki mas lalong nagsa-suffer yung mga bata when it comes to their mental health, nabu-bully sila, hindi sila makakain ng normal, hindi sila makalabas ng normal.
“Tapos habang nagma-mature yung bata, kumukunat yung balat. Mas mahihirapan po.
“Although mas ini-encourage na maoperahan sila ng bata pa, pero meron kaming inooperahan na mga thirties, forties na rin.”
Pagpapatuloy pa ni Ronnie, “Actually nakipag-usap na kami sa mga probinsiya para yung mga batang may cleft na nasa Baguio, nasa Ilocos hindi na nila kailangang magbiyahe ng Maynila.”
Tinanong namin si Ronnie kung ilan na ang mga batang napaopera na niya mula ng simulan niya ang kanyang foundation.
“Well ang mga pina-laboratory test na namin nasa one thousand na pero kasi hindi lahat pumapasa sa test. Yung iba may ibang physical condition, yung iba during the test may sipon, may ubo, hindi maganda yung temperature nung bata.
“Yung ganun hindi natutuloy so pinapagaling muna but more or less nasa ano, one hundred.”
Samantala, bagong karagdagan si Ronnie sa cast ng toprating GMA series na ‘Abot Kamay Na Pangarap’ na pinagbibidahan ni Jilian Ward.
Gumaganap si Ronnie bilang si Dr. Maniego na isang medical director ng isang hospital.
Sa tunay na buhay naman, bukod sa pagiging artista at singer ay First Lieutenant ang ranggo ni Ronnie sa Philippine Army.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
MM, extended sa ilalim ng GCQ hanggang Enero 31, 2021
PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang General Community Quarantine ang Metro Manila ng hanggang Enero 31, 2021. Bukod sa MM, isinailalim din sa GCQ ang Santiago City in Isabela, Batangas, Iloilo, Tacloban, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified […]
-
3 koponan ng PSL papahinga sa 2021
SINIWALAT na ng Philippine SuperLiga (PSL) ang mga programa para sa taong 2021, pero magpapahinga muna ang tatlong koponan ng semi-professional women’s volleyball league. Hindi na muna maglalaro ng isang taon sa liga ang Petron Blaze Spikers, Generika-Ayala Lifesavers at Marinerang Pilipina Lady Skippers dahil sa rason nilang may pandemya pa ng Covid-19. […]
-
Rep. Tiangco sa mga LGUs, suportahan ang EPAHP kontra gutom
HINIMOK ni Rep. Toby Tiangco ang mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom. “We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” ani Tiangco. […]